Ang Philippine adaptation ng South Korean movie na Instant Daddy ang proyekto na unang dapat na pagbibidahan nina Janno Gibbs at Xia Vigor.
Read: Xia Vigor balik-pelikula apat na taon pagkatapos ng Miracle in Cell No. 7
Pero ibinigay kay Jerald Napoles at sa child star na si Althea Ruedas ang Instant Daddy dahil biglang tumangkad at naging dalagita si Xia na hindi na bagay sa karakter na gagampanan niya.
Natuloy ang pagsasama nina Janno at Xia sa Itutumba Ka ng Tatay Ko dahil akmang-akma sa edad ng 14-year-old star ang role na binigyang-buhay niya.
Naging malapit sa isa’t isa ang dalawa nang gawin nila ang nabanggit na pelikula kaya nabigyan din si Xia na makatrabaho si Ronaldo Valdez, ang ama ni Janno na pumanaw noong Disyembre 17, 2023.
Nang itanong ng Cabinet Files ang suporta na ibinigay niya kay Janno sa panahon ng pagluluksa nito, lumitaw ang angkin na talino ni Xia dahil sa kanyang mga sagot.
"I didn’t really want to mention a lot about Tito Janno kasi I already know that he’s been going through a lot, pero I let him know that I am here to support him and I’m here for him so I just messaged him, nag-condolence lang po ako," ang pahayag ni Xia.
Read: Janno Gibbs reveals dad Ronaldo Valdez was separated from his mom before his death
May panawagan si Xia sa lahat dahil biktima si Janno ng mga malisyoso at walang katotohanan na balita.
"Maraming rumors about kay Tito Janno so I just hope na maging lesson din ito sa mga tao na let’s use social media wisely kasi we can either make or break a person.
"Talagang kayang makasira ng career ng isang tao ang press people or vloggers or kahit sinong mga tao sa mga simpleng comment nila.
"So, yung nangyari kay Tito Janno, yung rumors about him, sana tigilan na ng mga tao and sana, lesson din ito sa atin na maging careful sa paggamit ng social media.
"If we have nothing good to say, huwag na lang nating sabihin," apela ni Xia.
Read: Janno Gibbs at Bing Loyzaga magkatabi na ulit natutulog
XIA VIGOR ON DEALING WITH BASHERS
Naranasan na ni Xia maging biktima ng mga batikos sa social media sa edad na walo nang sumali siya noong 2017 sa Your Face Sounds Familiar, ang singing at impersonation competition show ng ABS-CBN.
"Ang time na marami talagang namba-bash sa akin was sa Your Face Sounds Familiar, yung Taylor Swift [impersonation], parang sine-sexualize daw po ako,” ang pagbabalik-tanaw ni Xia nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Linggo ng hapon, Enero 21, 2024.
"Dahil bata pa po talaga ako noon, I don’t understand all the comments, pero my mom told me na if I ever I got hurt or something like that sa mga comment, she told me to be painproof.
"And she told me na i-ignore yung bashers na ‘yon and mas maging maingat kami sa mistakes na ginagawa natin sa social media at sa public.
"Pero personally, I don’t see anything wrong sa ginawa kong performance sa Your Face Sounds Familiar ‘coz I was just impersonating Taylor Swift. Hindi naman pa ako na-hurt talaga dahil ‘yung mommy ko po, maraming sinabi nga sa akin like being painproof."
Paano maging painproof?
"I think it’s a kind of mindset po. If you don’t understand the deeper meaning of painproof, hindi siya talaga magwo-work sa yo.
"Kasi ang painproof po, parang isang bagay na itinatatak mo sa mind at kapag may nakikita ka na negative comments, automatically, iniisip ko na agad ang sinabi sa akin ng mommy ko na I should be painproof."