Hindi lamang magaling na aktor at visual artist si Jao Mapa dahil art teacher din siya sa isang international school sa Makati City.
Read: Jao Mapa, nakipagsabayan sa co-stars na sina AJ Raval at Wilbert Ross sa pagiging mapangahas
Fine Arts graduate si Jao at napakinabangan niya ang kanyang kurso sa pamamagitan ng pagtuturo ng Arts subject sa mga estudyante niya mula kinder hanggang high school.
"I have fun teaching my students. Not to brag pero they get excited, they ask when is our next class or what will they do next," lahad ni Jao sa pakikipag-usap niya sa Cabinet Files, Linggo ng gabi, Enero 21, 2024.
Nagsimula si Jao na magturo noong Disyembre 2023 sa international school na kanyang tinutukoy.
Pero may magandang kuwento siya dahil naranasan niya na matanggal sa trabaho mula sa nabanggit na paaralan.
"Returning teacher ako. I already taught there early last year, but for some reason, I was laid off. They recently hired me back to be a regular teacher," ang mapagkumbabang pagbabahagi ni Jao.
STILL ACTIVE IN SHOWBIZ
Proper time management ang sikreto kaya raw niya napagsasabay ang pagiging guro at pag-arte sa mga pelikula at television series.
"Proper time management lang. Kapag hindi ako nagsu-shooting, nagpipinta ako. I’m also getting into a big residential developer company as international specialist.
"The company will send me abroad para maging ahente nila.
"Bukod sa pagtuturo, I am also part of Pira-Pirasong Paraiso at kasali rin ako sa cast ng Ahas ng Vivamax," ang sabi ni Jao.
Ang Pira-Pirasong Paraiso ay ang drama series ng Kapamilya Channel na magtatapos sa January 27.
Walang pinagsisisihan si Jao sa mga pelikula na kanyang ginagawa noon hanggang ngayon.
"I love all my past projects and I have no regrets on every project I’m in.
"In fact, I regard them as teachers that have made me a professional actor today."
PAINTING
Sa kabila ng kanyang mga pinagkakaabalahan, hindi nawawalan si Jao ng panahon sa pagpipinta.
Dalawa sa mga painting na nilikha niya ang kasali sa Screenscapes, ang group art exhibition ng kanyang mga kapwa artista na nagpipinta gaya nina Leandro Baldemor, John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Cris Villanueva, Epy Quizon, Elizabeth Oropesa, Ernie Garcia at Reb Belleza.
Nag-umpisa noong Enero 10, 2024 at sa Pebrero 17, 2024 ang huling araw ng Screenscapes sa The White Room Gallery ng International House, Seameo Innotech, Commonwealth, Quezon City.
"I made my paintings, Sabongero [acrylic on canvas, 2ft.X 3ft.] at The View [acrylic on canvas 2ft. X 3ft.], one to two days each," ang paglalarawan ni Jao sa mga painting niya na kalahok sa Screenscapes.
Sa tanong kung alin sa mga painting ng kanyang mga kapwa artista ang nakapukaw sa atensyon niya, ang mga pangalan nina Cris at Leandro ang binanggit ni Jao.
"Si Cris Villanueva, as time goes by, his works are getting deeper and mor beautiful by the minute. Si Leandro, his works are also getting more beautiful."
Read: Jao Mapa, sana magkaroon ng art collaboration kina Ian Veneracion at Heart Evangelista