Maingay ang paglahok ni Jocelyn Cubales sa Miss Universe Philippines Quezon City 2024 na magaganap ang koronasyon sa Pebrero 5, 2024.
Sa edad na 69, siya ang pinakamatanda sa mga kandidatang nangangarap maging delegado ng naturang lungsod sa Miss Universe Philippines 2024.
Read: 69-year-old fashion designer Jocelyn Cubales kandidata sa Miss Universe Philippines-QC 2024
Kung papalaring manalo, ipadadala siya ng ating bansa sa 73rd Miss Universe na idaraos sa Mexico bago matapos ang taon.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Jocelyn ngayong Lunes, Enero 22, ikinuwento niya ang mga paghahandang kanyang ginagawa para sa local pageant na sasalihan.
Ayon sa sexagenarian aspiring beauty queen, “I am preparing myself mentally by having a positive outlook in life through yoga and meditation.
“On the physical aspect, I eat a balanced diet and I exercise and I am spiritually prepared by praying a lot."
Tiniyak ni Jocelyn na siya mismo ang gagawa ng mga gown na isusuot niya sa kanyang pagsali bilang kinatawan ng Barangay Baesa sa Miss Universe Philippines Quezon City 2024.

Jocelyn Cubales (first row, second from right) with other Miss Universe Philippines Quezon City 2024 candidates
Kilala si Jocelyn sa pangalang Joyce Penas Pilarsky dahil ito ang ginagamit niya bilang fashion at jewelry designer.
Natutuwa si Jocelyn dahil nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag-asa.
Mula nang maging opisyal na kandidata siya sa Miss Universe Philippines Quezon City 2024, nakuha niya ang atensiyon, hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Read: 72-year-old actress, official candidate in Miss Universe Argentina-Buenos Aires 2024
Sunud-sunod ang kanyang mga TV guesting at marami ang humihiling mainterbyu siya bilang unang senior citizen na nag-aambisyong magkaroon ng Miss Universe title, buhat nang alisin ng Miss Universe Organization ang age restrictions sa lahat ng mga kababaihang nagnanais na lumahok.
“I have a lot of interviews from USA and Colombia which was aired in different Hispanic countries. They were telling me that I am a big inspiration to them.
“They also want to know my secret, like how come I look young at age 69," lahad ni Jocelyn.
Read: Miss Universe scraps age restrictions; women of all ages can now join the prestigious pageant
Naniniwala si Jocelyn na ang kanyang edad ang advantage o lamang niya sa mga nakababatang kandidata ng Miss Universe Philippines Quezon City.
Aniya, “Since I am older than them, I have more stories and lessons to share.
"I want to tell the universe that everybody can be happier and healthier for the rest of their lives.”