Pinagkaguluhan si Aga Muhlach nang bumisita ito sa Summit Media office para sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at Esquire nitong Huwebes ng hapon, Enero 25, 2024.
Kinilig ang mga kababaihang empleyado ng Summit Media nang makita nila nang personal ang multi-awarded actor.
Read: Aga Muhlach seryosong hinaharap ang pagiging overweight
Patunay itong nananatiling popular, malakas ang karisma, at relevant pa rin sa entertainment industry si Aga.
Ito ay kahit minsan na lamang siya gumawa ng pelikula tulad ng Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, ang proyektong pinagbibidahan nila ni Julia Barretto na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pebrero 7, 2024.
Read: Aga Muhlach-Julia Barretto movie "to normalize all kinds of love"
Para kay Aga, isang malaking biyayang nabibigyan siya ng pagkakataong makapareha at makasama sa pelikula ang mga artistang nakababata sa kanya.
Si Aga ay 54, samantalang si Julia ay 26 pa lamang.
Pero kung iisiping mabuti, higit na malaking karangalan sa mga artistang mas bata kay Aga ang makatrabaho ang kagaya niyang isang icon sa Philippine entertainment industry.
Sa nakaraang media conference ng Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko, nanggaling kay Aga ang impormasyong gusto nitong gumawa ng pelikula kung saan gaganap siya bilang gay, isang karakter na hindi pa niya nasusubukan na bigyang-buhay.
Saad niya, “[It’s a blessing] I still get the chance to be paired with the younger generations.
"And kahit lalake ang makasama ko, an actor who’s in his 20s and his 30s, I’m happy to do that movie.
“Even kunyari as, like… I haven’t done like… something that’s bound to happen soon, I guess, all in His perfect time.
"It’s like a gay role that’s gonna be so serious, older or a younger man.
“These are the things that you can do. You can really… magagawan mo ng paraan na ma-experience yon through acting.
"That’s why sinasabi ko, it’s really a blessing as an actor.
"We’re all blessed naman in our everyday lives, but I speak as an actor, I’m blessed that at 54, I still get to do movies like this.
"It may or may not work I don’t know but it’s the chance that’s given to me. Parang thank you, I feel so grateful really."
Ayon pa kay Aga, matagal na niyang pini-pitch ang project na gustung-gusto niyang gawin kahit noong nasa Star Cinema pa siya.
Lahad ng aktor, “It’s one movie that I haven’t done yet and I’ve been wanting to do, noon pa. But then, sabi nga natin, let’s see.
“It has to be the right [time] kasi madami nang istorya na ganyan, but meron din akong gustong gawin na hindi pa puwedeng masabi.
“Matagal ko nang… sa Star Cinema pa lang ako, parang ipinipilit ko na ito
"Even in the latter years of my career sa Star Cinema, sinasabi ko na ito parati na merong akong project na gustung-gustong gawin, even up to now.
“Hindi siya nangyayari. Siguro not meant.
"But if it’s gonna happen, that will be something really… kasi I will play a role, retired gay performer.”