PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax Actor Chad Solano Declines Masculados Invite

Chad Solano bumalik sa showbiz dahil kina AJ Raval at Angeli Khang.
by Jojo Gabinete
Published Jan 27, 2024 | Updated Jan 27, 2024
chad solano vivamax
Chad Solano on being a Vivamax actor: “Mabuti nga po, nabigyan ako ng mga project at may launching movie na po ako. Noong una, ayaw ng parents ko na magpaseksi ako sa pelikula. Pero okay na, sinabi nila na, ‘Ipagpatuloy mo uli. Baka sakaling mabigyan ka ng break diyan.’"
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Ang sexy actor na si Chad Solano ang bida sa Vivamax movie na Dilig.

Nasubukan na niyang umarte noong teenager pa siya dahil lumabas na siya sa isang episode ng Magpakailanman, ang drama anthology ng GMA-7, at sa Bamboo Flowers, ang pelikula ng namayapang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Si Direk Maryo J. ang mentor-discoverer ni Chad, na natuklasan ng award-winning filmmaker sa Sexy Body bikini contest.

“Nag-judge po siya, e, siguro natipuhan niya ako kasi mahilig daw siya sa moreno,” kuwento ni Chad tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Direk Maryo J.

Isa si Chad sa mga gumanap na macho dancer sa kuwento ng buhay ng sumakabilang-buhay na aktor na si Kristoffer King, na isinadula at napanood sa Magpakailanman ng GMA-7 noong Abril 27, 2013 at pinagbidahan ni Aljur Abrenica.

Read: Aljur Abrenica to play macho dancer in "Magpakailanman"

Ang Bamboo Flowers, na ipinalabas sa mga sinehan noong Setyembre 11, 2013, ang unang pelikula ni Chad at mula rin sa direksiyon ni Direk Maryo J.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ni Direk Maryo J. noong isali si Chad sa grupo ng Masculados pero tumanggi ang baguhan noong aktor.

Kuwento ng sexy actor, “Artista po ako ni Direk Maryo J. Siya ang naka-discover sa akin, 17 years old ako noon.

“Ipinasok niya ako sa Masculados, e, hindi ko po sila ka-vibes. Medyo may ego na sila, e, bata pa ako noon.

“Hindi ako nakapag-perform na kasama sila. Sumasama lang ako noon sa mga gig nila.

"Pero medyo mataas ang ego nila, hindi ko kaya.

"Mahirap ho pala yung ganoon. Hindi ko makuha ang ugali nila. Parang ako na lang yung umiwas.

“Sinabi ko kay Direk Maryo na hindi po yata ako bagay sa Masculados kasi ang taas ng mga ego nila.”

Huminto sa pag-aartista si Chad at bumalik sa bayan niya sa Urdaneta City, Pangasinan, nang pumanaw si Direk Maryo noong Enero 27, 2018.

Nang umuwi si Chad sa Urdaneta City, tumulong siya sa kanilang family business. Pero nakatanggap naman siya ng mensahe mula kay Jojo Veloso, ang manager nina AJ Raval, Angeli Khang, Benz Sangalang, at Azi Acosta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Na-discover po ako ni Tito Jojo sa TikTok, two years ago. Matagal po niya akong kinumbinsi, siguro mga eight months.

“Nag-send po siya sa akin ng pictures ng mga alaga niya, sina AJ Raval, Angeli Khang.

"So, nag-decide akong subukan kahit mga two years lang. Kapag hindi ako nabigyan ng break, pahinga na lang uli sa pag-aartista.

“Saka nakita ko na sumisikat sina AJ at Angeli, baka sakaling mabigyan din ako ng break,” natatawang kuwento ni Chad dahil ginamit na pain ng kanyang manager ang mga larawan nina AJ at Angeli para mapapayag siyang tanggapin ang alok na balikan niya ang pag-arte sa pelikula.

Mula nang maging artista siya sa mga pelikula ng Vivamax, mahigit sa labingwalo na ang bilang ng mga proyektong ginawa ni Chad kaya nakapagpundar na ito ng tricycle sa bayan niya sa Pangasinan.

“Mabuti nga po, nabigyan ako ng mga project at may launching movie na po ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Noong una, ayaw ng parents ko na magpaseksi ako sa pelikula. Pero okay na, sinabi nila na, ‘Ipagpatuloy mo uli. Baka sakaling mabigyan ka ng break diyan.’

“Yung nanay ko, pina-install ko dati ng Vivamax app dahil may nagbigay sa akin ng voucher. Sabi ko sa kanya, ‘Manood ka, Nay, para makita mo ako kung paano umarte.’

“May napanood siya. Kaso nung nakita niyang nakahubad na ako, parang nag-skip na siya.

“Kasi dati po, on- day shooting lang ako. Ang role ko lang, nakahubad na tapos tira na lang.

"Siguro ngayon, puwede ko na uli siyang papanoorin dahil mahaba na ang role ko sa Dilig.

“Ang tatay ko naman, sasabihin lang niya, ‘Mana ka talaga sa akin.’”

Isang hardinerong mahusay mag-alaga ng mga bulaklak at nagkaroon ng relasyon sa kanyang among babae ang karakter na ginagampanan ni Chad sa Dilig.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chad Solano on being a Vivamax actor: “Mabuti nga po, nabigyan ako ng mga project at may launching movie na po ako. Noong una, ayaw ng parents ko na magpaseksi ako sa pelikula. Pero okay na, sinabi nila na, ‘Ipagpatuloy mo uli. Baka sakaling mabigyan ka ng break diyan.’"
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results