PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ahtisa & Alexie: Miss Universe PH 2024 Frontrunners

Appointment ni Ahtisa Manalo, nabahiran ng kontrobersiya.
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2024
ahtisa manalo alexie brooks muph 2024
Ahtisa Manalo (left) of Quezon Province and Alexie Brooks (right) of Iloilo are considered as frontrunners in the upcoming Miss Universe Philippines 2024 pageant.
PHOTO/S: Instagram

Sina Miss International 2018 first runner-up Ahtisa Manalo at Miss Iloilo 2024 Alexie Mae Brooks ang mga early frontrunner sa Miss Universe Philippines 2024.

Sila ang pinaniniwalaang mahigpit na maglalaban para maging kinatawan ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe na magaganap sa Mexico City bago matapos ang taon.

Twenty years old si Ahtisa nang sumali siya at tanghalin bilang first runner-up sa Miss International 2018 na idinaos sa Tokyo, Japan, noong Nobyembre 9, 2018.

Read: Ahtisa Manalo is first runner-up in Miss International 2018; Venezuela wins crown

Samantala, 22 years old si Alexie nang koronahan siyang Miss Iloilo noong Enero 13, 2024.

Read: Alexie Brooks, palengke vendor and athlete, is Miss Iloilo 2024; to join Miss Universe Philippines

Appointed candidate si Ahtisa ng lalawigan ng Quezon sa Miss Universe Philippines 2024 kaya naging madali sa kanya ang pagsali sa patimpalak na pipili ng kandidatang ipadadala ng ating bansa sa Miss Universe 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang magkaroon ng Miss Universe crown ang pangarap ni Ahtisa, pero si Catriona Gray ang pinalad magwagi nang kapwa sila sumali sa Binibining Pilipinas 2018.

Hindi man niya nakuha ang minimithing korona, si Ahtisa ang ipinadala ng Pilipinas sa 58th Miss International.

Siya ang hinirang na first runner-up.

Dalawampu’t limang taong gulang na ngayon si Ahtisa at muling susubukan ang kanyang kapalaran para makamit ang Miss Universe Philippines crown.

Read: Ahtisa Manalo withdraws from Miss Universe Philippines 2020 pageant

Suportado ni Catriona ang pagsali ni Ahtisa sa Miss Universe Philippines.

Sa isang live social media broadcast, sinabi ng dating Miss Universe winner, “Happy naman ako na sasali siya uli ‘coz she’s my batchmate, of course, and I’m really excited to see her journey.”

Nagkaroon lamang ng kontrobersya ang appointment kay Ahtisa bilang Miss Universe Philippines Quezon Province dahil may mga nagreklamong nawalan ng oportunidad sumali ang ibang mga kababaihan mula sa naturang lalawigan na nagnanais ding magkaroon ng beauty title.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ahtisa Manalo (left) of Quezon Province and Alexie Brooks (right) of Iloilo are considered as frontrunners in the upcoming Miss Universe Philippines 2024 pageant.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results