Nasorpresa si Julia Barretto nang malaman nito na hindi lamang siya at ang kanyang mga tiya na sina Gretchen at Claudine ang nakapareha ni Aga Muhlach sa pelikula.
Naging love interest din ng award-winning actor sa isang proyekto ang ina ni Julia na na si Marjorie Barretto.
Read: Aga Muhlach-Julia Barretto movie "to normalize all kinds of love"
Nanggaling kay Aga ang impormasyong gumanap si Marjorie na girlfriend niya sa Forever, ang pelikulang pinagbidahan nila ni Mikee Cojuangco noong 1994.

“Mommy ko po? Really? Pati si Mommy siguro, hindi na niya naalaala yon. Wow!” gulat na gulat na reaksiyon ni Julia nang sabihin sa kanya ng Cabinet Files ang trivia tungkol kay Aga at sa nanay niya.
Tatlong dekada na ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang Forever kaya maaaring nalimutan na rin ni Marjorie ang pelikulang ginawa nila ni Aga.

Aga Muhlach and Marjorie Barretto in Forever
Mauunawaan na walang kaalam-alam si Julia sa mga nakaraang proyekto ng kanyang ina dahil 1994 nang gawin nito ang Forever at hindi pa siya isinisilang noon.
Marso 10, 1997 ang araw ng kapanganakan ni Julia.
Si Julia ang leading lady ni Aga sa Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.
Aspiring member ng isang choral group ang karakter na ginampanan niya sa pelikula na mapapanood sa mga sinehan simula sa Pebrero 7, 2024.
Nagpakatotoo si Julia nang aminin nitong hindi siya mahusay na singer kaya sa tulong ng isang vocal coach, pinag-aralan niyang kumanta.
“I really don’t sing but one of the best things that I was able to do, I was able to work closely with a singing coach, which is now a part of me for the rest of my life.
“I mean, not being a singer. It’s the experience that I gained from making films such as this. I never thought, ever, I would take singing lessons but then I did,” sabi ni Julia.
Nabigyan ng pagkakataon ang young actress na awitin ang mga timeless composition ni George Canseco.
Nang itanong ng Cabinet Files ang komposisyon ni Canseco na naging personal na paborito niya, ang "Gaano Kadalas ang Minsan" (1984 ) ang sagot ni Julia.
“Ang ganda talaga ng lahat [ng mga kanta ni Canseco], but ang nag-stay talaga sa akin even after shooting was 'Gaano Kadalas ang Minsan.'
“That up to this day, I find myself singing it and, I think, the way it was composed, the lyrics, it’s just a beautiful piece.”
Kahit iginiit ni Julia na hindi siya marunong kumanta, iba ang napanood sa official trailer ng Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko dahil sa magandang timbre ng kanyang boses.
Natawa siya nang ipaalaala sa kanyang sariling boses ang ginamit ni Audrey Hepburn nang awitin nito sa isang eksena ng Breakfast in Tiffany ang classic song na "Moon River."
“Thank you very much. Na-connect ninyo pa yon,” natatawang reaksiyon ni Julia.
Dagdag niya, “Kaya nga I’m grateful. In films, when you’re required to learn new things, I really grab the opportunity.
“I knew naman when this was presented to me, sabi ko, 'Shucks, hindi ako singer. Wala akong background, zero! Wala talaga'
"But I get to learn a new thing. I think, dun ako pinaka-game. Mas na-excite ako to do it.”
Ang nabigyan siya ng pagkakataong kumanta na kasama ang Philippines Madrigal Singers ang itinuturing ni Julia na pinakapaborito niyang eksena sa Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.
Sad niya, “I love that final scene we did that I was able to be in one stage with the alumni of the Madrigals. Yun ang pinaka-memorable para sa akin.
“I am so happy, thank you Lord, because never in my wildest dreams… kailan? Why and how mangyayari yon kaya thank you Lord!”
Nakausap ng mga miyembro ng entertainment media si Julia ngayong Martes ng tanghali, Enero 30, 2024.