Tahimik na bumalik sa Pilipinas si Yam Concepcion at ang asawa nitong si Miguel CuUnjieng noong Disyembre 2023 dahil binisita nila ang kanilang pamilya.
Ang pagdalaw nina Yam at Miguel sa Pilipinas ang unang pagkakataong umuwi sila sa sariling bayan matapos ang civil wedding nila na ginanap sa New York noong Hulyo 24, 2021.
Read: Yam Concepcion marries longtime boyfriend in New York
View this post on Instagram
Bukod sa sabik na makita ang kanilang pamilya, masaya ang pagbabalik-bansa ng mag-asawa dahil kasama sa biyahe mula sa New York ang pet dog nilang si Tiny, na U.S. resident na rin.
View this post on Instagram
Halos isang buwan namalagi sa bansa sina Yam at Miguel dahil Enero 7, 2024 nang bumalik sila sa Amerika.
Pero hindi tumanggap ng mga showbiz commitment ang aktres na ginugol sa piling ng pamilya ang buong panahon ng pananatili niya sa Pilipinas.
Inialok noon kay Yam ang role bilang asawa ni Aga Muhlach sa Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko pero hindi niya tinanggap dahil nga New York-based siya kaya napasakamay ni Cindy Miranda ang proyekto.
Kahit naninirahan na si Yam sa Amerika, hindi pa rin ito nawawalan ng mga alok para magbida sa local TV series.
“Nothing’s definite yet,” sagot ng isang malapit kay Yam na nakakaalam sa mga drama series na alok sa kanya.
Pero nagpakita umano ang aktres ng interes sa isang teleseryeng kukunan ang mga eksena sa Europe at tatampukan ng dalawang artista na parehong letrang J ang umpisa ng mga pangalan.
Tatlong taon na ang nakalilipas buhat nang mapanood si Yam sa Init sa Magdamag, ang drama series ng Kapamilya Channel na ipinalabas sa telebisyon mula Abril 19, 2021 hanggang Setyembre 10, 2021.
Read: Init Sa Magdamag scene with Gerald Anderson in briefs reaches 2.3M views in 20 hours
Natapos ni Yam ang taping ng lahat ng mga eksena niya sa sa Init sa Magdamag bago siya lumipad sa New York para sa civil wedding nila ni Miguel.
Hindi pa tinatalikuran ni Yam ang pag-arte na napamahal sa kanya nang husto kaya tatanggap pa rin siya ng mga acting assignment, basta maganda ang proyekto at hindi ito magiging sagabal sa pagsasama nila ng asawa niya.