PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty queen biktima ng emotional blackmail ng sariling ina

Ina ng beauty queen inakusahan ng pagmamaltrato ng sariling ina.
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2024
Blind item tungkol sa female singer na nagwala

Matitindi ang mga paratang laban sa beauty queen ng kanyang sariling ina.

Pinalalayas siya at tinatratong kasambahay ang ilan sa mga hinaing ng ina laban sa kanyang anak.

Eksplosibo ang mga paratang ng problemadong nanay na nagbabalak nang umalis mula sa tahanan ng anak para mamasukan na lamang bilang totoong kasambahay dahil sa diumano’y pagmamaltrato na kanyang nararanasan.

Marami na ang nakakaalam nito dahil lumabas na ito at nabasa sa social media.

Read: Chiqui Hollmann, co-host of OG Eat Bulaga!, recalls relationship with Vic Sotto

Pero ngayong Martes ng umaga, Pebrero 6, 2024, burado na ang lahat ng mabibigat na social media posts ng nanay ng beauty queen.

Kahit naglaho na ang mga incriminating post, may mga nakapag-screenshot ng mga reklamo (kabilang ang Cabinet Files) ng ina ng beauty queen kaya mahihirapan itong pabulaanan ang kanyang ginawa dahil may matibay na ebidensiya.

Nagkaroon ng twist ang kuwento nang magsalita ang aktor na dating karelasyon ng beauty queen dahil itinanggi niya ang mga bintang ng nagrereklamong magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng aktor sa Cabinet Files na may kakayahan ang ina ng beauty queen na gumawa ng kuwento, manira, at magpaawa para makuha niya ang simpatiya ng publiko, tulad nang kanyang ginagawa sa sariling anak.

Read: Celine Dion makes surprise Grammys appearance amid ongoing health battle

Kahit hindi maayos ang paghihiwalay nila ng beauty queen, pinatotohanan ng aktor na mabait at mabuting tao ang kanyang ex-girlfriend.

Maraming beses na umanong naging biktima ng emotional blackmail ang beauty queen ng sariling ina na magaling umanong magmanipula ng kapwa.

Iginiit ng aktor na hindi dapat basta paniwalaan ng mga tao ang nakasisirang-puring social media posts ng ina ng beauty queen na kilalang-kilala niya ang ugali dahil nagkasama sila sa bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results