PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Actor and actress with big age gap in a relationship

Aktor at aktres nagkadebelopan sa TV program na pinagsamahan nila.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2024
Blind item about Byuti Aktres and Guwapong Aktor
ILLUSTRATION: Igi Talao

Kumpirmadong may relasyon ang aktor at ang aktres na nagkakilala sa isang TV show.

Mismong ang kanilang mga katrabahong artista ang nagpatotoo tungkol sa pagmamahalan nila.

Hindi naging hadlang ang malaking agwat ng edad ng dalawa para hindi nila magustuhan ang isa’t isa.

Kabilang sila sa tiyak na magiging maligaya sa Araw ng mga Puso sa Pebrero 14, 2024.

Pinatotohanan din ng isang TV executive ang balita tungkol sa pagmamahalan ng aktor at ng aktres na hindi pa inaamin sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

Ang TV program na tinatampukan ng dalawa ang higit na nakinabang sa relasyon nila dahil inspiradong-inspirado sila sa pagtatrabaho.

Maagang natatapos ang taping na maaga ring nagsisimula dahil walang nahuhuli sa pagdating sa set, kahit maaga ang call time.

Mabilis na natatapos ang mga eksenang kinukunan dahil ganadong-ganado ang aktor at aktres sa pagganap sa kanilang mga karakter na nagkatotoo sa tunay na buhay.

Hindi pa nagsasalita ang aktor at ang aktres tungkol sa relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas makabubuti ito dahil kung aamin sila sa katotohanan, siguradong-siguradong marami ang mang-iintriga at makakagulo lamang sa kanilang tahimik sa ngayong pagsasama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results