PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres aalis muna ng Pilipinas kasama ang inililihim niyang anak

Hanggang kailan kaya maitatago ng aktres ang kanyang sikreto?
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2024
blind item about Sexy Singer-Actress
ILLUSTRATION: Igi Talao

Anim na buwang mawawala sa Pilipinas ang aktres dahil pansamantala siyang maninirahan sa ibang bansa na minsan na nilang pinuntahan ng kanyang boyfriend.

Nangangahulugang matagal na hindi gagawa ng pelikula o tatanggap ng anumang proyekto ang aktres dahil sa kanyang desisyong lisanin muna ang Pilipinas.

May mga espekulasyong maaaring pinaplano ng aktres na subukan ang kapalaran nito sa ibang bansa at malaki ang tsansang sumunod sa kanya ang karelasyon niya.

Pero isang bagay ang sigurado — kasama ng aktres sa pag-alis nito ang kanyang anak na magkakaroon na ng pagkakataong mamuhay nang malaya at malayo mula sa mga intriga.

Malaki ang pagpapahalaga ng aktres sa kanyang pribadong buhay kaya tikom ang bibig niya kapag tungkol sa kanyang pamilya ang inuusisa ng entertainment press.

Nagtagumpay ang aktres na ilihim ang mga nangyayari sa personal na buhay niya.

Pero panandalian lamang ito dahil walang mga sikretong maitatago nang matagal, lalo na sa industriya ng showbiz na kanyang ginagalawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results