Masinop sa pera at marunong sa buhay ang isang sikat na personalidad kaya kumportableng-kumportable na ang kanyang pamumuhay.
Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa, nananatiling simple ang personalidad. Hindi siya magarbo sa pananamit at hindi pihikan dahil maligaya na siya kapag may kanin at isang klase lamang ng ulam ang kinakain.
Taliwas ito sa akala ng lahat na magastos ang kanyang lifestyle.
Ang hotel na may labimpitong kuwarto sa timog kanluran o south west ang isa sa mga naipundar na ari-arian ng sikat na personalidad.

The facade of Window Suites
The View, na may labindalawang kuwarto, at Window Suites, na may limang VIP rooms, ang mga pangalan ng hotel na nakatayo sa mahigit apat na ektaryang lupa.
Hindi pa bukas sa publiko ang mga hotel na ito.

Clubhouse main entrance

Clubhouse ceiling lights

Inside the clubhouse

Clubhouse conference room
May scenic elevator ang Window Suites. Mula rito, makikita ang isang makasaysayang lawa.
Ang clubhouse ay may sariling scenic elevator para makababa sa hardin at sa helipad.

Scenic clubhouse elevator
Makapigil-hininga ang tanawin mula sa hardin na ramdam na ramdam ang malakas na hangin kahit mainit ang panahon.

The helipad
Para maharang at mabawasan ang ihip ng hangin, nagpalagay ng makapal na pader na gawa sa mga bato ang sikat na personalidad.

Clubhouse garden and open air events place

Events place garden

Events place garden

Aerial view of the garden and helipad
Katabi ng hotel ang bahay na tinutuluyan ng may-ari. May sarili itong swimming pool, gym, at malaking sauna.

Swimming pool
May mga golf cart din na puwedeng gamitin ng mga bisita para makaikot sa malawak na lugar.

Golf carts
Hindi maipagkakailang bilyung-bilyong piso ang halaga nito dahil sa pulidong istruktura, magagandang kuwarto, at mamahaling gamit tulad ng intelligent toilet bowl na may remote control at sensor.

The View entrance

The View bedroom


The View viewing duck

The View deck

The View bedroom


Pagpapatunay itong sinisiguro ng establishment owner na sulit na sulit ang pananatili ng mga bisita sa kanyang ipinatayong hotel na maikukumpara sa mga high-end hotel sa Europa at Amerika.