Kakaiba ang pagdiriwang ng mga empleyado ng kapitolyo ng lalawigan ng Laguna sa Sta. Cruz, Laguna, ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2024.
Ito ay dahil sa memorandum na ipinatupad ni Laguna Governor Ramil Hernandez.
Read: Love in the Workplace: Arvin and Dianne Dizon's journey from colleagues to couple
Ang provincial administrator na si Atty. Dulce Rebanal ang nakapirma sa memorandum tungkol sa "katuwaang dress code" ng mga empleyado para sa Araw ng mga Puso base sa kanilang "love life status."
Ito ang nakasaad sa memorandum, na may petsang Pebrero 13, mula sa Office of the Governor para sa lahat ng mga department head:

Hindi naging killjoy o bitter ang mga empleyado ng Provincial Capitol ng Laguna dahil nagpakita sila ng pakikiisa at pagsunod sa memorandum na ipinatupad ng opisina ng gobernador para sa masayang pagdiriwang ngayon ng Araw ng mga Puso.