PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV program bilang na ang mga araw dahil sa problemang pinansiyal

Cast member ng programa, tumutulong sa paghahanap ng solusyon.
by Jojo Gabinete
Published Feb 16, 2024
blind item tv show

Ang malaking problema sa pananalapi ang dahilan kaya bilang na umano ang mga araw sa telebisyon ng isang programa.

Sa kasalukuyan, pinag-uusapan at pinag-aaralan na ng mga namamahala sa produksiyon ang ipapalit sa programang maaaring maisalba pa kung malulutas ang problema sa perang milyun-milyon na ang halaga.

Maraming mga manggagawa sa telebisyon ang maaapektuhan, kabilang ang mga artistang mga bida ng programa, kapag natuloy ang pamamaalam nito.

Tumutulong sa paghahanap ng solusyon sa mabigat na problema ang aktor na bahagi ng programa.

Sinamahan ng aktor ang TV executive nang makipagpulong ito sa mga advertiser para patuloy na suportahan ang kanilang show na nahaharap sa malaking pagsubok.

Malalaman sa mga susunod na araw ang magiging kapalaran ng programa dahil marami na ang mga kuwentong naglalabasan kaya mahirap nang makontrol ang mga balita at ilihim ang sitwasyong pilit na pinagtatakpan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results