PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz couple, na mala-relationship goals, nanganganib maghiwalay

Di malalampasan ang proverbial "seven-year itch"?
by Jojo Gabinete
Published Feb 17, 2024
blind item
ILLUSTRATION: Igi Talao

Pinatotohanan ng mga nakakaalam sa mga nangyayari sa relasyon ng isang showbiz couple na may "trouble in paradise" o may problema sa pagsasama ng dalawa.

Ito ang dapat imbestigahan ng mga mahihilig sa mga showbiz controversy.

Hindi nagbigay ng kumpletong detalye ang source ng Cabinet Files, pero tiniyak niya na nagkakalabuan ang pagsasama ng showbiz couple, na pinipilit na isalba ang kanilang relasyon.

Hinuhulaan na hindi malalampasan ng couple na ito ang proverbial "seven-year itch."

Maraming beses nang napabalita na may mga pinagdaraanang pagsubok ang showbiz couple, na kanilang paulit-ulit na pinabulaanan.

Normal lamang umano ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang nagmamahalan.

Matatalas ang mga mata at pakiramdam ng netizens, pero tila mabibigo sila na hulaan ang mga katauhan ng showbiz couple.

Mahirap mahalata o maramdaman na may mga isyu sa relasyon ng showbiz couple na dapat lutasin.

Sa harap ng publiko, palaging nakangiti at masaya ang showbiz couple. Marunong silang magdala ng problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya walang mag-iisip na may mga hamong pinagdaraanan ang kanilang pag-iibigan—na animo'y ideal relationship para sa mga taong hindi alam ang mga nagaganap kapag silang dalawa na lamang ang magkasama.

More Blind Items on PEP.ph:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results