PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lao Rodriguez, bahagi ng Netflix series ni Choi Woo Shik

Lao Rodriguez, may special participation sa A Killer Paradox.
by Jojo Gabinete
Published Feb 18, 2024
Lao Rodriguez joins Choi Woo Shuk in A Killer Paradox
Si Lao Rodriguez ang gumanap na pulis sa A Killer Paradox at mapapanood siya sa huling kabanata ng series na kasalukuyang Number 2 sa Top Ten TV shows ng Netflix Philippines.
PHOTO/S: CTTO via @laorodriguez_official / A Killer Paradox trailer YouTube

May special participation sa South Korean television series na A Killer Paradox ang mahusay na Filipino character actor na si Paolo "Lao" Rodriguez.

Ang A Killer Paradox ang eight-episode series na pinagbibidahan ng Korean actor na si Choi Woo Shik, na bumisita sa Pilipinas noong Marso 2023 para sa mga eksena niya na kinunan sa Metro Manila.

Read: Pinoy casting coordinator, may mga kuwento tungkol sa shooting ng A Killer Paradox sa Pilipinas

Si Lao ang gumanap na pulis sa A Killer Paradox at mapapanood siya sa huling kabanata ng series na kasalukuyang Number 2 sa Top Ten TV shows ng Netflix Philippines.

Walang anumang linya si Lao at isang araw lamang ang shooting niya para sa suspense-thriller series.

Pero tinatampukan din ito ng ibang mga Pilipino na Tagalog ang mga salita kaya hindi maitatangging kinunan sa Pilipinas ang mga huling eksena ng A Killer Paradox.

Ito ang pinakamalaking proyekto ni Woo Shik, na unang napansin sa kanyang papel na ginampanan sa Parasite, ang best picture ng 92nd Academy Awards noong Pebrero 9, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na kumalat ang balita noong Marso 2023 na naririto sa Pilipinas si Woo-shik dahil nakita at nakunan siya ng litrato habang naglalakad sa isang kalye sa Navotas City.

Ang hindi alam ng mga nakakita kay Woo-shik, kinukunan na noon ang mga eksena niya para sa A Killer Paradox.

Nalaman na lamang nila ang kumpletong impormasyon nang magsimula noong Pebrero 9, 2024 ang streaming sa Netflix ng television series dahil ipinakita ang karakter ni Woo-shik na nagtatrabaho bilang kargador ng mga isda.

Serial killer na Lee Tang ang pangalan ni Woo-shik sa A Killer Paradox.

May kakayahan si Lee Tang na maramdaman at matukoy ang mga tao na gumagawa ng kasamaan na pinapatay niya pero walang mga ebidensya na siya ang salarin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Lao Rodriguez ang gumanap na pulis sa A Killer Paradox at mapapanood siya sa huling kabanata ng series na kasalukuyang Number 2 sa Top Ten TV shows ng Netflix Philippines.
PHOTO/S: CTTO via @laorodriguez_official / A Killer Paradox trailer YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results