Para kay Josef Elizalde, iba pa rin ang pakiramdam kapag napapanood sa mga sinehan ang mga pelikula na kanyang ginagawa kaya nami-miss niya na lumabas sa big screen.
"Iba pa rin yung big screen," sabi ni Josef.
Read: Josef Elizalde, ngayon lang naranasang magbida pagkatapos ng 14 years sa industriya
Nalilinya siya sa paggawa ng mga pelikula para sa Vivamax, pero wala siyang panghihinayang dahil magaganda ang proyekto na kanyang natatanggap.
Hindi na mabilang ni Josef ang Vivamax movies na pinagbidahan. Pero ang bagong pelikula niya na may pamagat na Kabit at mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo ang kanyang ipinagmamalaki sa lahat.
"Sa dami ng mga nagawa ko sa Viva, I have to say ito yung first project na iba. From the minute na pinitch sa akin ang project, I have a good feeling about it.
"Nung ikinuwento pa lang sa akin na may gagawin kami na play within a movie, na-excite ako dahil it’s like hitting two birds with one stone. Pagkabasa ko pa lang ng script, gusto ko nang mag-shoot kaagad.
"Si Direk Law, isa sa mga favorite director ko. Siya ang pinakauna na direktor ko sa Vivamax, yung Ex-Deal 2, so siya ang nag-introduce sa akin sa mundo ng Vivamax."
Read: Josef Elizalde, nakatanggap ng indecent proposals dahil sa pinag-usapang eksena niya sa X-Deal 2
DARING SCENES
Mapangahas ang mga eksena na kinunan sa isang entablado, at nailatag na raw iyon sa kanya simula pa lang ng proyekto.
"Personally, for the film, I will do it kasi nakikita ko rin na napakagaling ni Direk Law.
"Yung visions niya, sa shots niya. Nung nag-dubbing ako, that was the first time na nakita ko talaga yung scenes namin.
"May istorya. May meaning behind the scenes. I don’t think may mas maitatapat pa sa project na ito. Hindi madali yung play namin kasi it’s Spanish time.
"We had to rehearse yung accent namin, yung pagsasalita ng Spanish. We had coaches, monologue pa yung lines namin. Sobrang natuwa kami."
Read: Josef Elizalde, gumanap bilang pari sa Purificacion; may mensahe sa mga moralista
ON USING PLASTER
Isa pang detalyeng binahagi ni Josef ay ang karanasan niya sa paglalagay ng plaster sa pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Paliwanag niya: "Gumagamit ako ng plaster. For me, sign pa rin yon ng respect sa co-actors ko.
"Ako rin naman, I wouldn’t want to work without plaster. Lahat kami naka-plaster. Maayos naman.
"For me, for protection na rin kasi not everyone will understand Vivamax, the projects we do."