Ipinakilala ngayong Linggo ng hapon, Pebrero 18, 2024, sa grand ballroom ng Hilton Manila, Pasay City ang opisyal na limampu’t limang kandidata ng Miss Universe Philippines 2024.
Read: MJ Lastimosa ipinaliwanag kung bakit hindi na siya puwedeng sumali sa Miss Universe Philippines
Sila ang mga nangangarap na maging kinatawan ng ating bansa sa 73rd Miss Universe na magaganap sa Mexico.
Gaya nang inaasahan, ang mga dating beauty title-holder ng Bb. Pilipinas tulad nina Bb. Pilipinas Intercontinental 2014 Kris Tiffany Janson, Bb. Pilipinas Intercontinental 2015 Christi Lynn McGarry, at Bb. Pilipinas International 2018 Ahtisa Manalo.
Pasok din ang dating aktres na si Bb.Pilipinas 2022 2nd runner-up Stacey Gabriel ang umagaw sa atensyon ng mga miyembro ng media.

Popular din sa idinaos na press presentation si Alexie Brooks ng Iloilo na isa sa mga strong contender ng Miss Universe Philippines 2024.
Maingay at pinag-usapan ang tagumpay ni Brooks sa Miss Iloilo noong Enero 2024 dahil sa pagkakahawig niya kay Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng South Africa.

Bukod sa pagpapakilala sa mga opisyal na kandidata ng Miss Universe Philippines 2024, isinabay sa press presentation ang pagtatalaga sa mga nanalo sa Miss Philippines sa mga international pageant na kanilang sasalihan.
Oktubre 23, 2023 nang idaos ang coronation ng Miss Philippines.
Si Alethea Ambrosio ang kinoronahan na Miss Supranational Philippines 2024, si Blessa Ericha Figueroa ang Miss Asia Pacific International 2024, si Issa delos Santos angMiss Aura Philippines 2024, si Chantal Elise Schmidt ang Miss Eco International Philippines 2024, at si Hanna Uyan ang Miss Eco Teen Philippines 2024.
Sa mga nagwagi sa Mister Pilipinas noong 2023, si Brandon Espiritu ang kinoronahan bilang Mister Pilipinas Supranational 2024, si Dom Corilla ang Mister Pilipinas Global 2024, si Justine Ong ang Mister Pilipinas International ambassador, si Emerson Gomez ang Mister Pilipinas Cosmopolitan 2024, si Anthony Cunningham ang Mister Pilipinas Man of the Year 2024, at si Jordan San Juan ang Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2024.