PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla, nakatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto

"Julia, thank you at nag-text ka sa akin nung birthday ko."
by Jojo Gabinete
Published Feb 23, 2024
Julia Barretto and father Dennis Padilla
Dennis Padilla proudly tells peers that his daughter Julia Barretto greeted him on his 62nd birthday. Seen above are Julia and Dennis during their reconciliation in 2015 (right) and an accidental encounter in 2020.
PHOTO/S: @dennisastig Instagram

Nagdiwang si Dennis Padilla ng ika-62 na kaarawan noong Pebrero 9, 2024; at isa ito sa pinakamasaya na araw ng kapanganakan niya dahil nakatanggap siya ng pagbati mula sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Read: Dennis Padilla to daughter Julia Barretto: “Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita.”

Kabilang si Dennis sa mga artistang sumuporta sa ikatlong pagbasa sa Senate Bill 2505 o ang Eddie Garcia Bill na ginanap sa Senado noong Lunes, Pebrero 19, 2024.

Pagkatapos ng Senate session, nagkayayaan ang grupo ni Dennis na kumain sa isang restaurant kasama si Senator Robinhood Padilla.

Si Robin ay isa sa mga may-akda na nabanggit na panukala.

Naikuwento ni Dennis sa naganap na hapunan ang tungkol sa text message na natanggap niya mula sa kanyang estranged daughter na si Julia Barretto nang magdiwang siya ng kaarawan.

Si Senator Robin ang kumuha ng video na nagpapakita kay Dennis na maligayang-maligaya na nagkaroon sila ng komunikasyon ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa itong positibong palatandaan para manumbalik sa dati ang kanilang relasyon bilang mag-ama.

"Julia, thank you at nag-text ka sa akin nung birthday ko," sabi ni Dennis.

Sinundan niya ito ng imbitasyon na, 'Yung movie ni Julia, palabas pa. Panoorin ninyo, kasama si Aga Muhlach, Ikaw Pa rin ang Pipiliin Ko."

Tuwang-tuwa ang mga nagmamahal kay Dennis dahil sa magandang balita na ibinahagi niya.

Hindi ito masyadong napagtuunan ng pansin ng mga tao dahil sa viral post ng misis ni Robin na si Mariel Padilla.

Read: Robin Padilla apologizes for Mariel's gluta-drip session at his office; says: “My wife loves to promote good looks and good health.”

DENNIS PADILLA reached out first

June 2022 nang magkaroon muli ng gap sa pagitan ni Dennis at kanyang mga anak sa ex-wife na si Marjorie Barretto.

Read: Leon Barretto to estranged father Dennis Padilla: "Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula noon, ilang beses nang nagpahiwatig si Dennis na nangungulila siya sa mga anak, at pinakahuli ay noong February 1.

Read: Dennis Padilla, hinihintay pa ring mag-reach out ang mga anak kay Marjorie Barretto

Tatlong araw bago sumapit ang ika-62 na kaarawan ni Dennis, o noong Pebrero 6, nag-post siya sa Instagram ng mga larawan ng kanyang mga anak na sina Julia at Claudia.

Nilagyan ito ni Dennis ng caption na "Miss You Anak…God bless your more." Nilapatan din niya ito ng awitin na "Love Is All That Matters."

Hindi nabale-wala ang post ni Dennis dahil nagkaroon ito ng magandang resulta sa araw ng kanyang kapanganakan.

Nagpadala ang Cabinet Files kay Dennis ng mensahe nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 23, para sa karagdagan na pahayag niya tungkol sa kaligayahan na kanyang nararamdaman dahil may komunikasyon na muli sila ni Julia—patunay na "Blood is thicker than water."

Pero at press time, hindi pa siya sumasagot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla proudly tells peers that his daughter Julia Barretto greeted him on his 62nd birthday. Seen above are Julia and Dennis during their reconciliation in 2015 (right) and an accidental encounter in 2020.
PHOTO/S: @dennisastig Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results