“He’s so in love with my baby girl,” pahayag ni Diego Loyzaga tungkol sa ama niyang si Cesar Montano, na mahal na mahal ang anak ni Diego na si Hailey.
Si Hailey ang pang-apat sa apo ni Cesar.
Mula nang isilang ang anak niya noong Mayo 2023, malaki ang ipinagbago ni Diego dahil umiikot ngayon ang mundo nito sa kanya.
Read: Cesar Montano reveals how fatherhood has changed son Diego Loyzaga
“Every day, may bago akong natututunan. And I realized na it’s not all about me anymore,” nakangiti at may pagmamalaking lahad ni Diego tungkol sa pagiging tatay niya.
“After twelve years of being in showbiz, I finally was able to put a down [payment] for a house and I’m fixing kung ano ang magiging playroom niya, ano ang magiging kuwarto niya.
“I can’t say naman na in an instant, nagbago ang buhay ko. Every day is still the same, I still go to work. I still do what I do.
"But at the same time, at the back of my head, iniisip ko siya.
“It’s not about Diego anymore. It’s about Diego and Hailey.
“Her birthday is in May, last month pa ako nagplano kung saan namin ise-celebrate.”
Read: Diego Loyzaga hints at being dad to baby girl; netizens ask: "Who's the mother?"
Matunog na “Nooo!!!” ang reaksiyon nang tanungin kung papayag siyang pumasok sa showbiz ang kanyang anak.
Nagbitaw ng salita si Diego na magiging "present father" siya kay Hailey kaya hangga’t maaari, gusto niyang palagi silang magkasama.
Nang muling mapag-usapan si Cesar, ipinagtapat ni Diego na sinubukan niya noong tularan ang kanyang ama na isa sa pinakamahuhusay na aktor sa Pilipinas.
Sabi ni Diego, “From the earlier part of my career, I was really trying to fill those shoes. I was trying talaga to be more like him.
"And recently, parang kumalas na rin ako. I am just trying to be Diego.
“I know they’re very large shoes to fill and hindi ko na pipilitin ang sarili ko na maging Cesar Montano. Gusto ko na lang maging isang Diego Loyzaga.
“Of course, I wanna achieve yung mga na-achieve niya sa career niya, but one day at a time.”
Ang pagpuri ni Cesar sa pagganap na ipinamalas ni Diego sa isang eksena ng Maid in Malacañang ang isa sa hindi malilimutang karanasan ni Diego dahil napaluha ito.
Read: Cesar Montano at Diego Loyzaga, excited makatrabaho ang isa't isa
Lahad niya, “That was the first time na sinabihan niya ako na, 'I like that.' Hindi ako iyakin na tao pero naiyak ako.
"Everyone knows my story, I didn’t grow up my dad. I am not blaming him, not throwing shade on my father.
“It’s just that, those were the circumstances and to get affirmation from my dad, masarap sa pakiramdam.
“And now, the fact na palagi na kaming magkausap about the smallest thing… he’s so in love with my baby girl.”