PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, natuklasan ang kasama ng asawang lalaki

Aktres, nagising mula sa bangungot na dulot ng lalaking pinakasalan.
by Jojo Gabinete
Published Feb 28, 2024
Blind Item about former actress and high-profile husband
ILLUSTRATION: Igi Talao

Tumagal lamang ng isang taon ang pagsasama ng aktres at ng lalaking pinakasalan niya dahil sa mga sikretong natuklasan ng aktres.

Huli na nang malaman ng aktres na may ibang babaeng kinakasama ang kanyang asawa bago pa nangyari ang pag-iisang-dibdib nila.

Nalaman naman ng babae na pinakasalan ng kanyang kinakasama ang aktres dahil sa wedding photos na lumabas sa social media.

Nadiskubre ng aktres ang katotohanan dahil nagkausap sila ng babae, na parang pinagsakluban din ng langit at lupa nang makumpirma ang panloloko na ginawa sa kanila.

Maamo ang mukha at mahinahon ang pananalita ng lalaki noong sinusuyo pa lamang niya ang aktres.

Lumitaw ang kanyang tunay na ugali habang nagsasama na sila dahil bukod sa seloso, may malaking problema siya sa anger management.

Hindi malilimutan ng aktres ang araw ng kasal nila ng kanyang estranged husband na gumamit ng credit card para bayaran ang lahat ng mga ginastos niya sa weddimg reception.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pera ang wedding gifts na natanggap nila mula sa kanilang mga ninong at ninang.

Hiyang-hiya ang aktres na suot pa nito ang kanyang wedding gown nang pilitin siya ng asawang pumunta sila sa bangko at ipa-encash ang mga tsekeng bigay ng mga principal sponsor.

Ang ipina-encash na tseke ang ginamit ng asawa ng aktres na pambayad sa kanyang credit card expenses.

Red flag para sa aktres ang inasal noon ng kanyang mister, at nasundan pa ito ng maraming pangyayaring hindi katanggap-tanggap kaya tinapos niya ang kanilang relasyon.

Lubos na nagpapasalamat ang aktres sa Panginoong Diyos dahil binuksan nito ang kanyang mga mata para magising siya mula sa bangungot na naranasan niya sa piling ng dating asawa.

At kahit hiwalay na sila, patuloy na dumarating sa aktres ang mga impormasyong nagpapatunay na maraming atraso sa ibang tao ang lalaking inakala niyang mamahalin siya at habambuhay makakasama.

Pinutol ng aktres ang lahat ng komunikasyon sa kanyang asawa, at inaasikaso niya sa kasalukuyan na mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pagwawakas ng kanilang relasyon, nagpapanggap ang lalaking maayos pa rin ang pagsasama nila ng aktres dahil hindi pa niya binubura sa social media ang kanilang wedding photos at ang mga larawan ng maliligayang araw nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results