Diborsiyado na ang mga magulang ng teen actress na si Xia Vigor, pero nananatili silang magkaibigan alang-alang sa kanilang dalawang anak.
Ikinuwento ng ina ni Xia na si Christy Bernardo sa Cabinet Files na hiwalay na sila ni Alan Vigor, at wala raw sa kanyang planong muling mag-asawa dahil gusto niyang gugulin ang panahon sa pag-aalaga sa mga anak nila na sina Liam at Xia.
Read: Xia Vigor enjoying COVID-free life in Mindoro; discovers love for pagtatanim
Lahad ni Christy, “Bumalik ako sa Pilipinas dahil nag-divorce na kami ng husband ko.
"Bumalik po kami [sa Pilipinas] dahil nalulungkot ako sa England, hiwalay na nga kami. Although mahal po niya ang kanyang mga anak, palagi siyang dumadalaw.
"Hindi niya po ako masyadong pinapakialaman tungkol sa pag-aartista ni Xia. Nagtatanung-tanong lang siya.”
Ibinahagi rin ni Christy ang isang nakakatawang anekdota tungkol sa ex-husband niya.
“Nagko-commercial noon si Xia, minsan sumama yung tatay niya sa shooting. Pinagalitan niya yung direktor.
“Sabi niya, ‘Gabi na, hindi ninyo pa pinapauwi ang anak ko!’
“Mula noon, hindi ko na siya isinama kapag nagyayaya siyang sumama sa mga shoot ni Xia.”
Read: The reasons Xia Vigor replies to fans on social media whenever she can
Pangarap ni Christy ang isang maging ina, at natupad ito noong 36 years old na siya.
Nang malaman niyang buntis siya sa panganay na anak, tinalikuran ni Christy ang pag-aaral, pati na ang kanyang pag-aaring beauty salon.
“I gave up everything in my life para maging nanay. Sobra akong nag-look forward noon na maging nanay ako.
“Five years na kaming nagsasama ng asawa ko bago ako nagbuntis. Talagang nag-aaral ako noon, iniwan ko yung school ako. May salon ako, iniwan ko.
“Talagang tinutukan ko ang mga anak."
Sabi pa ni Christy, "I was there every step of the way na kada hakbang ni Xia, kung pangit yung mararanasan niya, ine-expect ko.
“Kapag maganda naman ang mga nararanasan niya, yung mga triumph niya, tinuturuan ko po siyang huwag lumaki ang ulo.
“Sinasabi ko sa kanya, ‘Hindi lang ikaw ang nakararanas ng ganyan, maraming tao ang nakakatanggap ng awards. Hindi yung kapag nakatanggap ka ng award, magaling ka na.’
“Ayokong ilagay sa isip niya na magaling siya.
"Kapag ang mga direktor, sinasabi na ‘Ang galing ni Xia,’ sinasabi ko sa kanya na, 'Sinasabihan ka ng mga direktor na magaling ka dahil sinasabi nila yon sa lahat.'
“Nung formative years niya, alam ko, ako ang nag-i-sculpt sa kanya, so I was very careful.
“Ngayon po, kampante na ako, kasi parang feeling ko, na-prepare ko na siya. Okay na siya kahit sa mga basher, kahit sa mga pumupuri.
"Kasi yung praises po, nakakasira rin yan minsan sa mga artista."
Read: Xia Vigor, umapela na tigilan ang pambabatikos kay Janno Gibbs
Sa kabila ng pagiging single parent, maganda at maayos ang pagpapalaki ni Christy sa mga anak nila ni Alan.
Kahit artista si Xia, tumutulong ito sa mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba at paghuhugas ng mga pinggan na pinagkainan nila.
“Napakasipag po ni Xia, naglalaba, naghuhugas ng plato,” may pagmamalaking sabi ni Cristy.
“Actually, perfect daughter po siya. Hindi dahil sa nanay niya ako kundi talagang bata pa lang si Xia, aware na siya sa mga nangyayari sa paligid.
"Bata pa lang, matured na siya."