PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor & Aktres sa Programa, Kumpirma: May Relasyon

Isa pang aktor na matagal nang nali-link sa aktres, kaibigan lang talaga.
by Jojo Gabinete
Published Mar 2, 2024
Blind item about famous star and actor boyfriend
ILLUSTRATION: Igi Talao

Matagal nang may relasyon ang aktres at ang aktor na magkasama sa isang programa, pero pinili nilang ilihim muna sa publiko ang kanilang pagmamahalan para makaiwas sila sa mga intriga.

Nang kumpirmahin ng confidante ng aktres na boyfriend na nito ang aktor at mag-iisang taon na ang kanilang pagkakamabutihan, naintindihan na namin ang dahilan kaya ipinaalis niya ang tanong tungkol sa rumored boyfriend sa isang panayam sa kanya.

Sa pagkakaalam ng lahat, ang isa pang aktor na matagal nang napapabalitang karelasyon ng aktres ang boyfriend nito.

Pero iginiit ng confidante na matalik na magkaibigan lamang ang dalawa.

Sa isang interbyu, paulit-ulit na sinabi ng aktres na magkaibigan lamang sila ng aktor na pilit iniuugnay sa kanya.

Dapat paniwalaan ang pahayag niya dahil totoong-totoo ito.

Showbiz personality rin ang dating girlfriend ng aktor pero matagal na silang hiwalay.

Ang aktres ang ipinalit ng aktor sa dating karelasyon.

Dahil magkasama sa programa ang aktor at ang aktres, madalas silang magkita kaya bihirang-bihira ang pagpunta nila sa mga pampublikong lugar kaya nananatili ang kanilang tahimik na relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tiyak na darating ang araw na malalaman ng mga tao ang katotohanan tungkol sa isinisikretong pagmamahalan ng dalawa dahil totoong-totoo sa showbiz ang matandang kasabihang "may pakpak ang balita, may tainga ang lupa."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results