PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tahanang Pinakamasaya: New Show Set in Progress?

Pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya, natabunan ng pagpanaw ni Jaclyn Jose.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2024
tahanang pinakamasaya replay
TAPE Inc.'s noontime show Tahanang Pinakamasaya has began airing replay episodes before it finally goes off the air on March 7, 2024.
PHOTO/S: TAPE Inc. YouTube

Ang pagwawakas ng Tahanang Pinakamasaya, ang noontime program ng TAPE Inc. na napapanood sa GMA-7 ang pinakamalaking balita sa entertainment industry noong Sabado at Linggo, Marso 2 at Marso 3, 2024.

Read: Tahanang Pinakamasaya, wala na sa Facebook; tuluyan nang sisibakin sa ere?

Read: 130 empleyado nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya

Pero natabunan ito ng nakagugulat at nakalulungkot na ulat tungkol sa pagpanaw ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa edad na 60.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Tama ang mga naunang balitang hanggang noong Sabado, Marso 2, na lamang ang live broadcast ng Tahanang Pinakamasaya.

Simula ngayong Lunes, Marso 4 hanggang Marso 7, ang replays ng kontrobersiyal na programa ang matutunghayan.

Ang grand finals ng "Dancing Duo Double Double Special Edition," na unang umere noong Enero 12, 2024, ang napanood nitong Lunes ng tanghali sa Tahanang Pinakamasaya.

Noong Linggo, lumitaw rin ang mga ulat na, diumano, nakatakdang maglabas ngayon ng joint statement ang GMA Network, Inc. at ang TAPE Inc. tungkol sa Tahanang Pinakamasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ngayon ang hinihintay ng mga nakatutok sa isyu.

Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?

Nakarating sa Cabinet Files ang kuwento na ginagawa na, diumano, ang set ng bagong programang ilalagay sa mababakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya.

Pero mahalaga pa ring manggaling mula sa kinauukulan ang kumpirmasyon para maiwasan ang pagkalat ng fake news na magdudulot ng kalituhan sa publiko.

Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang reaksiyon at pahayag ng isang TAPE Inc. executive tungkol sa nangyari sa Tahanang Pinakamasaya, pero hindi siya sumagot.

Hindi namin ito minamasama dahil aming nauunawaan ang sitwasyon nila sa kasalukuyan.

Read: Paolo Contis binalikan sa sinabi niya noong "mahaba pa ang laban"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TAPE Inc.'s noontime show Tahanang Pinakamasaya has began airing replay episodes before it finally goes off the air on March 7, 2024.
PHOTO/S: TAPE Inc. YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results