PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Melde Montañez recalls working with Jaclyn Jose on Patay Na Si Hesus

Melde Montañez, walong beses "nasampal" ni Jaclyn Jose.
by Jojo Gabinete
Published Mar 7, 2024
patay na si hesus cast
Patay Na Si Hesus (2017) cast: (from left) Chai Fonacier, Vincent Viado, Jaclyn Jose, Miel Espinoza, and Melde Montañez.

Ang mga pelikulang Patay Na Si Hesus, The Prenup, You To Me Are Everything, Labyu With An Accent, Gua Ai Di (Mano Po 5), Apag, at ang drama series na The World Between Us ang mga proyekto ni Jaclyn Jose na patuloy na napapanood sa streaming site na Netflix.

Kaya may pagkakataon pa ang mga tagahanga niyang panoorin at sariwain ang husay sa pag-arte ng multi-awarded actress na binawian ng buhay dahil sa atake sa puso noong Marso 2, 2024.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Highly recommended sa lahat na tunghayan ang Patay na si Hesus dahil isa ito sa pinakamaganda at nakakaaliw na pelikulang ginawa at pinagbidahan ni Jaclyn.

Read: Jaclyn Jose takes viewers on a hilarious road trip in Patay Na Si Hesus

Mula sa direksiyon ni Victor Villanueva, opisyal na kalahok ang Patay Na si Hesus sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2017. Nanalo ito ng Jury’s Choice Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

patay na si hesus poster

Kinunan sa Cebu at Dumaguete ang mga eksena ng pelikula sa loob ng labinlimang araw.

Nag-aral pa si Jaclyn ng Cebuano dialect para maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

Read: REVIEW: Jaclyn Jose makes use of deadpan style in Patay na si Hesus

Ang Cebu-based actor na si Melde Montañez ang gumanap sa karakter ni Jay, isa sa tatlong anak ni Iyay, ang papel na ginampanan ni Jaclyn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinuwento ni Melde sa Cabinet Files ngayong Huwebes, Marso 7, ang mga karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa multi-awarded actress.

Nag-umpisa ang shooting ng Patay na si Hesus noong Agosto 2016, tatlong buwan matapos manalo si Jaclyn na best actress sa 69th Cannes Film Festival.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Nasaksihan at napatunayan ni Melde ang husay ni Jaclyn sa pagganap dahil Kapampangan ang akres, pero madali nitong natutunan ang salita ng mga Cebuano.

Lahad niya, “There was a Bisaya translator to help her, and then on set, she will ask us also about how to talk in Bisaya with an accent.

“Ang mga bonding moment namin before takes, parati naming sinasabi sa harap niya kung paano magmura sa Bisaya.

“Hindi ko malilimutan yung slapping scene namin dahil eight takes ang pagsampal niya sa akin.

“At saka yung sa ending part na namatay si Hudas [pet dog] sa movie, no one knows na umiyak ako nang totoo nung nakita ko si Miss Jaclyn na umiiyak sa eksena niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I looked at her as a mother figure during the shoot.”

Labis daw nalungkot si Melde nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pagpanaw ni Jaclyn, pero isang karangalang nakatrabaho niya ang 60-year old actress bago ito binawian ng buhay.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patay Na Si Hesus (2017) cast: (from left) Chai Fonacier, Vincent Viado, Jaclyn Jose, Miel Espinoza, and Melde Montañez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results