PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame denies selling Cavite mansion and yacht to Tony Co.

Willie Revillame, may bagong yacht at dalawang helicopters.
by Jojo Gabinete
Published Mar 8, 2024
willie revillame yacht and helicopter
TV host Willie Revillame buys a new yacht, which he named Goodwill, and two helicopters, including a Robinson R66 (inset, center).

Walang katotohanan ang lumabas na balitang ipinagbili ni Willie Revillame sa billionaire businessman na si Antonio "Tony" Co ang kanyang mansion sa lalawigan ng Cavite, pati ang yate niya, dahil naghihirap na siya.

Kaugnay ito ng lumabas na ulat na nangangailangan umano si Willie ng malaking halaga ng pera para maibalik niya ang Wowowin, ang kanyang game at public -service program na huling napanood sa ALLTV network noong Pebrero 2023.

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

Para sa kaalaman ng lahat, totoong nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Willie at Co.

Pero rerentahan lamang ng billionaire businessman ang hotel, hindi ang mansiyon, na pag-aari ng Wowowin host sa loob ng sampung taon.

May market value na PHP5 billion ang uupahang hotel ni Willie, na nakatayo sa mahigit tatlong ektaryang lupa na kinatitirikan din ng kanyang mansiyon o vacation house.

Totoo ang balitang ibinenta ni Willie kay Co ang 94-foot yatch niya na may pangalang "Will Cruiser" dahil hindi na praktikal sa kanya ang mag-ari ng dalawang yate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinenta ni Willie ang Will Cruiser dahil nakabili siya ng bagong yate na binigyan niya ng pangalang "Goodwill," ang 140-foot yatch na may helipad, anim na VIP bedrooms at penthouse.

Balak ni Willie na palagyan ng swimming pool at karagdagang helipad ang Goodwill na may labintatlong crew na regular nag-aalaga sa yate.

Kabilang dito ang kapitan, chief engineer, electrician, deckhand, stewardess, at mga kapitan para sa maliliit na bangka ng yate, na mas magastos i-maintain kesa sa isang malaking bahay.

Ang "Goodwill" ang ginagamit ni Willie sa tuwing naglalayag siya sa loob ng walong oras papunta sa kanyang world-class private resort sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Bukod sa kanyang 140-foot Goodwill yatch, nagmamay-ari si Willie ng dalawang helicopter, ang Bell 430 at Robinson R66 (year 2022 model), na siya mismo ang nagpapalipad.

Bell 430

willie revillame chopper

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Willie Revillame's Robinson R66 helicopter

Hindi rin totoo ang balitang may kinalaman o si Co ang financier ni Willie sa nalalapit na pagbabalik ng Wowowin.

Si Willie ang producer ng Wowowin na ibabalik niya pagkatapos ng Mahal na Araw.

Sinisimulan na ang konstruksiyon ng studio ng Wowowin sa Sta. Lucia East Mall, Cainta, Rizal.

Sa kagustuhan o will ni Willie na ipagpatuloy ang pagbibigay ng pag-asa at pagpapasaya, itutuloy niya ang Wowowin na mapapanood sa mga social media platform kahit wala siyang tahanang TV station.

Read: Willie Revillame hindi akalaing milyun-milyon ang tumutok sa Pamaskong Handog ng Wowowin

May 16 million subscribers at 11 million likes ang Facebook page ng Wowowin, samantalang halos walong milyon ang YouTube followers ng programa.

Kasabay ng personal supervision ni Willie sa pagpapagawa ng Wowowin studio, inaasikaso niya ang pagpapaayos sa kanyang biniling dalawang penthouse ng isang high-end building sa BGC area.

Salat din sa katotohanan ang balitang sinibak ng ALLTV ang Wowowin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Base sa mga report noong Abril 2023, si Willie ang humiling sa pamunuan ng network na i-terminate ang kanilang napagkasunduang kontrata dahil nahihiya siyang patuloy na babayaran ang kanyang talent fee habang pansamantalang nakahinto o “naka-pause” ang programa niya.

Read: Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS

Mahalagang ituwid ang mga maling impormasyon para hindi maging biktima ng fake news ang publiko na madali at basta na lamang naniniwala sa mga nababasa nila sa social media.

Tungkol sa balitang plano ni Willie na kumandidato na senador sa Mayo 2024, malinaw ang kanyang sinabi na handa na siyang tumulong kung sasabihin ni former President Rodrigo Duterte.

Pero walang direktang deklarasyon ang Wowowin host na papasukin na nito ang mundo ng pulitika.

Read: Willie Revillame handa nang tumakbong senador

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame buys a new yacht, which he named Goodwill, and two helicopters, including a Robinson R66 (inset, center).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results