PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Megan Young, sinisi sa pagkatalo ni Miss Botswana sa Miss World

Bostwanian content creator: "I won't be surprised if you are witch too."
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2024
Megan Young on Miss World 2024
Ang pagmamagandang-loob ni Miss World 2013 Megan Young na ayusin ang stray hair ni Miss Botswana ay minasama ng isang content creator.
PHOTO/S: @meganbata Instagram / Screengrab from Miss World 2024

Pulido at hinangaan ang hosting job ni Miss World 2013 Megan Young sa 71st Miss World na ginanap noong Marso 9, 2024 sa Jio World Convention Centre, Mumbai, India.

Read: Krystyna Pyszková of Czech Republic is Miss World 2024

Pero naging biktima siya ng batikos dahil sa kagandahang-asal na ipinakita niya kay Lesego Chombo, ang kinatawan ng Botswana at kabilang sa Top 4 candidate ng naturang patimpalak.

Read: Megan Young radiates in Miss World 2024 hosting

Nang tawagin si Chombo ni Megan para sa question-and-answer segment, napansin ng Filipina beauty queen-actress ang ilang hibla ng buhok sa noo ng Botswanian candidate kaya inayos niya ito.

Sabi ni Megan, "Let me fix your hair a little bit."

Ang concern ni Megan kay Miss Botswana ay pagpapamalas ng isang kagandahan ng ugali ng mga Pilipino.

Pero minasama at hindi nagustuhan ng isang Botswanian content creator, na administrator ng Facebook page na The Truth, ang ginawa ni Megan na pinaratangan niya na racist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maling-mali na paratang ng Botswanian content creator: “In my own opinion, that presenter wasn’t fixing Lesego’s hair. And there was nothing wrong with her hair.

"The presenter wanted to kill Lesego’s confidence and also show judges that it wasn’t her natural hair but a wig."

Kinuyog ng mga Pilipino ang content creator at saka ipinagtanggol si Megan dahil higit na kilala nila ang dating Miss World na likas na mabuti ang pagkatao.

Sa tanang-buhay ng Botswanian content creator, baka ngayon lamang siya nakatikim ng libu-libong bilang ng hate comments—13K reactions at 4.2K unfavorable comments— mula sa mga tagapag-tanggol ng Filipina celebrity.

Una, walang basehan ang kanyang akusasyon; at pangalawa, hindi wig ang buhok ni Chombo.

Hindi nagpaawat at ayaw magpatalo ng Botswanian content creator na sinamantala ang kanyang 15-minute fame dahil ngayong Linggo ng gabi, Marso 10, muli siyang naglabas ng mga batikos laban kay Megan.

Maaaring ikinagulat at ikinagalit niya nang husto ang pagbuwelta ng mga Pilipino na nagbanta na magsusumbong sa kinauukulan para maipasara ang kanyang Facebook page kaya muli siyang naglitanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hey Megan Young I can see you are a woman of many talents. One moment you are an MC, the next moment you are Lesego's hairstylist.

"I won't be surprised if you are witch too.

"I mean what's your business touching our Queen's forehead and hair at that critical moment of the competition and right on centre stage?

"Nywee nywee it's your Philippines culture, who told you it's our Botswana culture? Or you think your white culture is superior than our black culture?

"Your Filipino brothers and sisters are threatening to report the page. I can see sabotage and hate run in your veins."

Hindi maipagkakailang masamang-masama ang loob na content creator dahil nadurog siya nang husto sa masasakit na salita na buwelta sa kanya ng mga nakikisimpatiya at tagapag-tanggol ni Megan.

Read: FULL TRANSCRIPT: Winning answer of Miss World 2024 Krystyna Pyszkova

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pagmamagandang-loob ni Miss World 2013 Megan Young na ayusin ang stray hair ni Miss Botswana ay minasama ng isang content creator.
PHOTO/S: @meganbata Instagram / Screengrab from Miss World 2024
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results