PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Botswana Chombo Supports Megan Young

Lesego Chombo: "Please be kinder, please..."
by Jojo Gabinete
Published Mar 11, 2024
miss botswana megan young
Miss Botswana Lesego Chombo: “I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake.”
PHOTO/S: YouTube

Kumilos si Miss World Botswana 2024 Lesego Chombo para mahinto ang mga pambabatikos ng kanyang mga kababayan at iba pang Africans kay Miss World 2013 Megan Young.

Kaugnay ito ng pag-aayos ni Megan sa buhok ni Lesego sa question-and-answer segment ng 71st Miss World na idinaos sa Mumbai, India, noong Marso 9, 2024.

Read: Megan Young, sinisi sa pagkatalo ni Miss Botswana sa Miss World 2024; Pinoy fans rumesbak

Ipinarating ni Lesego, isang praciticing lawyer, sa kanyang mga kababayan ang apela niya sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake,” pakiusap ni Chombo, na isa sa Top 4 candidates ng 71st Miss World.

“Please be kinder, please to Krystyna, to Megan, be kinder,” sabi pa ni Lesego.

Si Krystyna Pyszková ng Czech Republic ang kinoronahang Miss World 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Damay siya sa online hate comments ng mga Botswanian dahil sa kanilang paniniwala na si Lesego ang higit na may karapatang manalo.

Read: Krystyna Pyszková of Czech Republic is Miss World 2024

Napagtuunan naman si Megan ng galit ng mga tagasuporta ni Lesego dahil sa paratang na nawala ang atensiyon ng Botswanian beauty queen sa pagsagot nang ayusin ng former Miss World ang hibla ng kanyang buhok sa noo niya.

Sa kabila ng apela ni Lesego at sa paghingi ni Megan ng paumanhin tungkol sa insidenteng nangyari, patuloy pa rin ang pagbatikos kay Megan ng mga nakikisimpatiya sa Botswanian beauty queen.

Read: Megan Young apologizes for fixing Miss Botswana's hair during Q&A of 71st Miss World

Wala itong ipinagkaiba sa mga Pilipinong rabid supporter ng mga beauty pageant at nahihirapang tanggapin ang katotohanan kapag natatalo ang mga kandidatang kanilang sinusuportahan.

Gaya ng rabid Filipino beauty pageant fans, nagtutulong-tulong ang Botswanian beauty pageant aficionados sa paghahain ng reklamo sa Facebook administration para maipasara ang mga Facebook page ng mga Pilipinong nagtatanggol kay Megan at bumabatikos sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi man nanalo si Lesego, ginawaran siya ng Miss World Organization ng continental title na Miss World Africa.

Kasama niya sina Yasmina Zaytoun ng Lebanon, Miss World Asia; Australia Kristen Wright ng Australia, Miss World Oceania; Jessica Gagen ng England, Miss World Europe; Leticia Frota ng Brazil, Miss World Americas; Ache Abrahams ng Trinidad and Tobago, Miss World Caribbean.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Botswana Lesego Chombo: “I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake.”
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results