Nakalabas na ng bilangguan ang direktor na si Jade Castro at ang kanyang tatlong kasama na inakusahan ng pagsunog sa isang modernized jeepney sa Catanauan, Quezon, noong Enero 31, 2024.
Read: DGPI at iba pang organisasyon, kinondena ang warrantless arrest sa direktor na si Jade Castro
Pinalaya mula sa Bureau of Jail Management Penology (BJMP) ng Catanauan sina Jade, Ernesto Orcine, Noel Mariano, at Dominic Ramos ngayong Lunes ng gabi, Marso 11.
Ang apat ay inaresto nang walang warrant of arrest ng mga miyembro ng Philippine National Police sa Mi Casa Resort sa Barangay Butanyog, Mulanay, Quezon, noong Pebrero 1.
Si Judge Julius Franciz Galvez ng Branch 96 ng Catanauan Regional Trial Court ang nagpalaya sa apat na akusado matapos niyang paburan ang inihaing motion to quash ng mga tagapagtanggol ng grupo ni Castro, sa pangunguna ni Atty. Michael Marpuri.
Read: Pamilya ni Jade Castro at tatlo niyang kaibigan, nanawagan sa kanilang kalayaan
Apatnapung (40) araw nagdusa sa loob ng kulungan si Castro at ang mga kasama nito na nanindigang mga inosente sila sa kasalanang ibinintang laban sa kanila.
Kabilang ang direktor na si Carlos Siguion-Reyna, ang human rights advocate lawyer na si Atty. Chel Diokno, at ang aktor na si Cedrick Juan sa mga nagpahayag ng kasiyahan sa paglaya ni Castro.
Reaksiyon ni Carlos, “This is great news. Welcome back, Jade and your three friends. Maraming salamat sa katatagan ninyong apat sa pagsubok na ito.
“Maraming salamat sa LAHAT ng nagsuporta, nagsalita, nagtawag ng pansin sa injustice ng pagkulong kina Castro: mga taga-pamilya, abogado, kaibigan at katrabaho nina Jade, mga national at local government officials, media, at mga organisasyon na nagpahayag ng reports, statements, held hearings for Castro et al, sa lahat ng mga individuals na nakiisa kina Jade sa kasong ito, at kay Catanauan RTC Branch 96 Judge Julius Galvez.
“CONTINUED VIGILANCE IS NEEDED, though. As reported by ABS-CBN.COM, according to Atty. Michael Marpuri, one of Castro's lawyers: ‘The information was quashed on the ground of lack of jurisdiction of the court on the persons of the accused due to the invalidity of their arrest. Technically, case is dismissed but without prejudice as to refiling.’
“In the meantime, the quashing of this trashiest of cases is a most welcome development. Salamat sa lahat.”
Nalaman naman ni Diokno ang balita tungkol sa paglaya ni Castro mula sa kapatid nitong si Jasper Castro.
Sinabi ni Diokno, “Just learned from Jasper (Direk Jade Castro’s brother) that Jade, Ernesto, Noel, and Dominic are being released tonight. Overjoyed that they are finally regaining their freedom!”
Pahayag naman ni Cedrick, "SA WAKAS! Mapanagot sana ang mga nagbigay ng maling paratang!"
