PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lost Credibility & Integrity in PH Award Bodies?

Academy Awards winners, hindi maaaring isauli ang kanilang Oscar trophies.
by Jojo Gabinete
Published Mar 13, 2024
oscars 2024 winners
Oscars 2024 winners: (from left) Da'Vine Joy Randolph, best supporting actress for The Holdovers; Cillian Murphy, best actor for Oppenheimer; Emma Stone, best actress for Poor Things; and Robert Downey Jr., best supporting actor for Oppenheimer.
PHOTO/S: @theacademy on Instagram

Ang Academy Awards o Oscars ng Amerika ang isa sa mga pinakaprestihiyoso o iginagalang na award-giving body sa buong mundo kaya malaking katuparan na makatanggap ng parangal mula sa naturang organisasyon.

Pinahahalagahan ng Oscar winners ng kanilang mga tropeyo na hindi maaaring ipagbili dahil mahigpit ang kasunduan na nilagdaan nila.

Read: Oscars 2024 Highlights And Sidelights: Oppenheimer wins big; Cillian Murphy, Emma Stone top acting winners

Nakasaad sa regulasyon ng Academy Awards: “Award winners must comply with these rules and regulations. Award winners shall not sell or otherwise dispose of the Oscar statuette, nor permit it to be sold or disposed of by operation of law, without first offering to sell it to the Academy for the sum of $1.00.

"This provision shall apply also to the heirs and assigns of Academy Award winners who may acquire a statuette by gift or bequest."

Nananatiling mataas ang respeto sa Academy Awards ng movie industry workers, at nasaksihan ito sa 96th Academy Awards na ginanap sa Dolby Theatre, Hollywood, California, noong March 10, 2024 (U.S. time).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo sa pagtitipon ang lahat ng mga nominado dahil karangalan nga para sa kanila ang magkaroon ng nominasyon sa iba’t ibang mga kategorya.

Taun-taon, pinaghahandaan at pinahahalagahan ng mga bisita ang imbitasyon sa kanila ng pamunuan ng Academy Awards.

Malayung-malayo ito sa mga kaganapan sa mga award-giving body sa Pilipinas.

Noong Disyembre 2023, dahil kailangan niya ng panggastos para sa Pasko at Bagong Taon, ibinenta ni Jiro Manio sa negosyante at content creator na si Boss Toyo ang kanyang Gawad Urian best actor trophy sa halagang PHP75,000.

Nanalong best actor si Jiro sa Gawad Urian para sa kanyang pagganap sa pelikulang Magnifico noong 2004.

Read: Jiro Manio reveals he used money from sold Urian trophy for Christmas and New Year

Hindi kagaya sa Pilipinas, iginagalang ng movie industry workers sa Amerika ang Academy Awards at ibang mga award-giving body na napatunayan sa mga nakaraang panahon.

Sa Academy Awards, dumadalo ang lahat ng mga nominado sa gabi ng parangal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantalang sa Pilipinas, nagpapakita lamang ang mga nominado kung nakatitiyak sila ng panalo.

Kadalasan, hindi sumisipot ang karamihan sa kanila na pagpapakita ng kawalan ng respeto at pagpapahalaga sa mga nominasyong natanggap nila.

Kapag iniimbitahan ang past winners para maging award presenter, humihingi sila ng talent fee. Bukod sa katuwirang mahal ang gasolina, malaki ang ginagastos nila sa make-up, sapatos, at gown na isusuot.

Kasunod ng pagkawala ng paggalang sa mga award-giving body sa Pilipinas ang pagsusulputan ng sampu-samperang award-giving bodies na pinagkakakitaan ng mga negosyanteng organizer.

May mga award-giving body na literal na patakbuhin dahil mga walang karapatan ang pinagkakalooban ng mga parangal.

Mayroon ding ilang paaralang namamahagi ng acting awards dahil sa kagustuhang maging relevant at para makita nang personal ang kanilang mga paboritong artista.

May mga insidenteng pinapalitan sa huling sandali ang mga nanalo na nagpasabing hindi makararating sa gabi ng parangal kaya nakasanayan ng ilan sa mga award-giving body na sabihan o abisuhan ang mga nominadong mananalo sila para hindi maging matamlay ang okasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Minsan nang nangyari sa isang award-giving organization na walang dumalo sa mga mananalo dahil hindi nila inabisuhan ang mga magwawagi kaya matamlay na matamlay ang kanilang gabi ng parangal.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng umiiral ang paboritisimo at bilihan ng award na dalawa sa mga dahilan kaya tila nawala na ang kredibilidad at integridad ng mga award-giving body sa Pilipinas.

The views and opinions expressed in this article are those of the author/s and do not necessarily reflect the position of the editorial team of PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oscars 2024 winners: (from left) Da'Vine Joy Randolph, best supporting actress for The Holdovers; Cillian Murphy, best actor for Oppenheimer; Emma Stone, best actress for Poor Things; and Robert Downey Jr., best supporting actor for Oppenheimer.
PHOTO/S: @theacademy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results