May mga nagulat nang malaman nilang nagkaroon ng concert ni Janet Jackson sa Smart Araneta Coliseum noong Miyerkules, Marso 13, 2024.
Hindi umano nila nabalitaan ang pagdating sa Pilipinas ng kapatid ng King of Pop na si Michael Jackson.
Read: Hits and sing-alongs: Ed Sheeran electrifies in Manila performance
Ang pagtatanghal ni Janet sa Big Dome ay bahagi ng kanyang Together Again tour na nagsimula noong Abril 2023.
Kahit may mga nagsasabing hindi napuno ang lugar na pinagdausan ng concert, naaliw ang mga nanood dahil nakita at napanood nila nang personal ang husay sa pagkanta at pagsayaw ng American singer-actress na nakilala nang husto noong '80s.
Ilan sa mga kantang pinasikat ni Janet noong kapanahunan niya ay ang "Control," "Together Again," "When I Think of You," at "Again."
Ikinagalak ng Araneta Coliseum audience ang pag-awit ni Janet sa "Together Again" at "Again," pero may naramdaman silang pagkadismaya dahil hindi niya binubuo ang pagkanta.
Napansin ng manonood na pagdating sa chorus part ng mga nabanggit na awit, itinatapat ni Janet sa audience ang hawak na microphone at sila ang pinakakanta niya.
May matibay na basehan ang mga obserbasyon ng mga tumangkilik sa Manila leg ng "Together Again" — ang mga video na kanilang inilabas.
Pakiramdam nila ay parang naisahan sila ni Janet.
Napansin din ng ibang audience na nag-lipsync si Janet sa ilang mga kanta niya.
Read: Review: Rivermaya brings joy, nostalgia in highly-anticipated reunion concert
Sina Sarah Geronimo, Iza Calzado, at Karylle ang ilan sa local showbiz personalities na namataan sa concert ni Janet.

Janet Jackson (center) with Filipino celebrities Sarah Geronimo (seated, center), Iza Calzado (standing, second from left), and Karylle (standing, extreme right) with some friends at the backstage
Ang karanasan ng mga nanood ng Together Again ang nagpaalaala sa amin sa The Connie Francis Greatest Hits Show, ang Valentine concert ni Connie Francis na itinanghal din sa Araneta Coliseum noong February 14, 2008.
Read: Connie Francis performs at Araneta Coliseum on Valentine’s Day
Pinanood namin ang nasabing concert kaya aming nasaksihan ang pagkalimot ni Connie sa lyrics ng mga kinakanta nito.
Pero imbes na humingi ng paumanhin, sinabi niya sa Filipino audience na matagal o lumang-luma na ang kanta kaya nakalimutan na niya.
Umasa ang mga tao na magkakaroon ng encore performance si Connie pero hindi na ito bumalik sa entablado.
Kahit malakas ang pagsigaw nila ng “More!” hindi na sila pinagbigyan ni Connie dahil sa katuwiran nitong pagod na siya at masakit na ang kanyang lalamunan.