Unang nakatrabaho ni Cristine Reyes si Baron Geisler sa television remake ng Eva Fonda noong 2008 kaya nasaksihan niya ang mga pagbabago sa ugali ng aktor nang muli silang magkasama sa Dearly Beloved, ang pelikula nila na mapapanood sa mga sinehan simula sa Marso 30, 2024.
Ikinuwento ni Cristine na maraming mga aral sa buhay ang ibinahagi sa kanya ni Baron sa tuwing nag-uusap sila sa set ng Dearly Beloved.
“Nag-uusap kami. Maraming na-share si Baron sa akin na learnings din niya and I appreciate it kasi makikita mo yung growth ng tao. Nakikita ko yung growth niya,” lahad ni Cristine na natutuwa dahil si Baron ang kapareha niya sa pelikula.
“The fact na naiintindihan ko iyon, ibig sabihin, nag-grow tayo pareho at now na nagsama tayo uli, our stars aligned. We could make a great film.
“This film is something that would be remembered for sure. Yung pelikula namin parang ginawa para i-mirror na may ganitong buhay, may ganitong mundo at ito yung mga kinakaharap.
“I’m happy na si Baron ang nakasama ko na pareho kami, same wavelength when it comes to work at character portrayal.”
Tungkol sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon at blended family ang kuwento ng Dearly Beloved na parehong naranasan ni Cristine sa tunay na buhay kaya may opinyon siya tungkol sa mga nabanggit na sitwasyon.
Sinabi ni Cristine na nagbibigay siya ng second chances pero hindi ito dapat abusuhin.
“Yung chances na iyon, siyempre hindi dapat inaabuso kasi kapag abusado na, doon tayo dapat maglagay ng boundary.
“Same goes to me, some people have given me second chances. I could say sa work, I wasn’t perfect before, but now I try to improve myself and prove to everyone to give me a second chance.
“In terms of having a blended family, I think common sense lang. Past is past and you have to move forward to your present life.
“Just be happy with what you have right now and live with it accordingly. Tanggalin mo na lang yung drama, it’s all in the past, move on and give it your best shot.
“Dalhin mo yung learnings mo from the past. Itama mo na rin.”