Ang VP Global Management contract star, Net25 Starkada member at volleyball player na si Patrick Roxas ang nagwagi na Ginoong Laguna 2024 sa patimpalak na ginanap noong Sabado nang gabi, Marso 16, 2024 sa Sta. Cruz, Laguna.



Bahagi ng Ani ng Laguna o Anilag, ang annual festival ng lalawigan ng Laguna ang Ginoong Laguna 2024.
Sina Alden Richards (Ginoong Laguna 2010), Jeric Gonzales (second runner-up, Ginoong Laguna 2013) at Jak Roberto (2nd runner-up, 2012) ang mga aktor na produkto ng Ginoong Laguna bago sila pumasok sa showbiz, at ito ang kaibahan ni Patrick sa kanila dahil nagsimula na ang entertainment career niya nang lumahok siya sa nabanggit na male pageant.

(Alden Richards)

(Jak Roberto)

(Jeric Gonzales)
Si Patrick ang kinatawan ng San Pedro City sa Ginoong Laguna 2024 at ginamit niya sa patimpalak ang kanyang tunay na pangalan na Patrick Henry Pagalilauan.
Bukod sa Ginoong Laguna 2024 title, si Patrick ang tumanggap ng mga special award na Best in Swimwear at Best in Formal Wear.
Sa panayam kay Patrick ng Cabinet Files noong Mayo 6, 2023, sinabi ng 22-year-old actor na idolo niya si Alden at nangangarap siya na sundan ang yapak sa showbiz ng kanyang hinahangaan na aktor na nangyari dahil pareho na sila na mga title-holder ng Ginoong Laguna.
“Sana po, I can live up to their expectation at tulad nila, makatulong din po ako sa pagkilala sa Laguna. I promise to work hard po and make them all proud,” ang sagot ni Patrick nang hingin ng Cabinet Files ang kanyang reaksyon dahil gaya nina Alden, Jeric at Jak, nagtagumpay siya sa male pageant na sinalihan.
At nang tanungin tungkol sa tagumpay niya sa Ginoong Laguna 2024, nangako si Patrick na lalong pagtutuunan ng pansin ang kanyang adbokasiya, ang pangangalaga sa kalikasan.
"Words cannot express my gratitude to everyone who has stood by me throughout this remarkable journey, particularly the unwavering support from the people of San Pedro Laguna and our esteemed local government. Being bestowed the title of Ginoong Laguna 2024 fills me with immense pride and responsibility,” ang pahayag ni Patrick sa Cabinet Files ngayong Linggo nang gabi, Marso 17, 2024.
“As I step into this role, I am deeply committed to leveraging my platform on television to not only showcase the breathtaking beauty of our province but also to champion causes close to our hearts.
“One such advocacy I am passionate about is environmental conservation. Laguna boasts of stunning natural wonders, and it is our duty to preserve and protect them for generations to come.
“Furthermore, I envision using this platform to promote sustainable tourism initiatives that not only attract visitors but also prioritize the well-being of our communities and the environment.
“By fostering partnerships and innovative solutions, we can create a thriving tourism industry that benefits everyone.
“Together, let us embark on this journey to elevate Laguna to new heights, not only as a tourist destination but as a beacon of sustainable development and social progress.
“With your continued support and collaboration, I am confident that we can make a lasting and positive impact on our beloved province. Maraming salamat po sa inyong lahat!"