Mainit na pagsalubong ang tinanggap ng mga host ng It’s Showtime mula sa executives at mga empleyado ng GMA Network nang dumating ang motorcade nila sa bakuran ng Kapuso Network ngayong Miyerkules ng hapon, Marso 20, 2024.
Read: It's Showtime, kumpirmadong papalit sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7
Nanggaling ang motorcade ng It’s Showtime cast mula sa ABS-CBN compound at bakas ang kanilang kaligayahan habang binabagtas ang kalye patungo sa GMA-7.
Kulay pula (na simbolo ng suwerte) ng kasuotan ng lahat ng mga host — sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne Curtis, Kim Chiu, Karylle, Ogie Alcasid, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, Cianne Dominguez, at Darren Espanto.
Mga dating talent ng GMA-7 sina Anne, Karylle, at Ogie bago sila lumipat sa ABS-CBN.
Makalipas ang labing-anim na taon, muling mapapanood si Karylle sa Kapuso Network.
Kasama ng It’s Showtime hosts sa pagpunta sa GMA 7 ang ABS-CBN executives sa pangunguna ni ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak.
Nakatakdang mapanood ang It’s Showtime sa GMA-7 simula sa Abril 6, 2024.
Dito ipagdiriwang ni Vice Ganda ang kanyang ika-48 kaarawan.
Sa Marso 31 ang aktuwal na petsa ng kapanganakan ni Vice pero dahil pumapatak sa Marso 25 hanggang Marso 31 ang Mahal na Araw, magdiriwang siya ng kaarawan sa It’s Showtime sa unang araw nito sa GMA-7 sa Abril 6.
Ito ang inilabas na joint statement ng GMA Network at ABS-CBN kaugnay ng pag-eere ng It's Showtime sa Kapuso network:
