PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vina Morales accepts Sunny because of daughter Ceana

Vina Morales, balik-Viva Films.
by Jojo Gabinete
Published Mar 23, 2024 | Updated Mar 23, 2024
vina morale sunny presscon
Singer-actress Vina Morales makes a return to Viva Films, her original home studio. Vina is one of the lead sars of Sunny, the Philippine adaptation of the hit Korean movie of the same title.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Makalipas ang halos tatlong dekada, muling nagbabalik si Vina Morales sa Viva Films, ang dating home studio niya na nagbigay sa kanya ng oportunidad para maging aktres at mang-aawit.

Isa si Vina sa pitong aktres na bida sa Sunny, ang Philippine adaptation ng Sunny, ang blockbuster South Korean comedy-drama movie na itinanghal sa mga sinehan noong 2011.

Dahil sa box-office success ng Sunny, ipinalabas din ito sa labing-isang international film festivals sa Amerika, Asya, at Europa, kabilang ang Korean Film Festival na idinaos sa Maynila mula Setyembre 10, 2013 hanggang Oktubre 2013.

sunny poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dalawang dahilan si Vina kaya tinanggap nito ang proyekto.

Una, ang pagnanais na muling makagawa ng pelikula sa film company na nakatuklas sa kanya.

At pangalawa, dahil kinumbinsi siya ni Ceana, ang nag-iisang anak niya na masugid na tagahanga ng Korean movies at drama series.

Read: Vina Morales allows Cedric Lee to communicate directly with daughter Ceana

Kuwento ni Vina, “When Boss Val [Valerie del Rosario, Studio Viva producer], sabi niya,’ Ate, gusto mo gawin ito?’

“Sabi ko, ‘Ano yan?' 'Ipapadala ko sa’yo ang script.'

“Unang-una, ang talagang naka-attract sa akin dahil magbabalik-Viva ako.

"Kasi ilang years, actually ilang dekada nang hindi ako nakapag-work ng pelikula sa Viva.

“And then, I found out it’s also a Korean adaptation. Why not? Sino ba naman hihindi?

"That’s a very good opportunity. Maganda rin ang role.

"And not only that, yung anak ko, mahilig sa Korean. Sabi niya, ‘Mommy, maganda yan.’

“Kasi napanood niya. Siya yung nakakaalam sa Sunny. Mas mahilig siya sa Korean films at series.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw nakaramdam ng paninibago si Vina sa paggawa ng pelikula, kahit noong 2014 pa ang huling movie project niya, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbidahan ni Robin Padilla.

Si Heaven Peralejo ang gumanap na batang Vina sa Sunny.

Pinatotohanan ni Vina ang sinabi ni Heaven na inabot ng isang taon bago natapos ang shooting ng kanilang pelikula.

Ayon sa singer-actress, “One year in the making ang Sunny kasi nga iba-iba yung schedules naming lahat. And then, hanggang matapos kami finally.”

Sina Angelu de Leon, Tanya Garcia, Ana Roces, Candy Pangilinan, Katya Santos, at Sunshine Dizon ang co-stars ni Vina sa Sunny.

Sina Heaven, Bea Binene, Abby Bautista, Aubrey Caraan, Ashley Diaz, Heart Ryan, at Ashtine Olviga naman ang mga gumanap na batang karakter nila sa pelikula na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa Abril 10, 2024.

View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Vina Morales makes a return to Viva Films, her original home studio. Vina is one of the lead sars of Sunny, the Philippine adaptation of the hit Korean movie of the same title.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results