PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baltimore Key Bridge Collapses; 6 Workers Missing

Anim na construction workers ang patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad.
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2024
baltimore key bridge
The Baltimore Key Bridge in Maryland, USA collapsed after it was hit by freighter at 1:30 a.m. on Tuesday, March 26, 2024.
PHOTO/S: First Coast News YouTube

Nagdeklara ng state of emergency si Maryland, USA Governor Wes Moore dahil sa pagkawasak at pagbagsak ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore nitong Martes ng madaling-araw, Marso 26, 2024, 1:30 (Martes ng hapon sa Pilipinas).

Nagdeklara rin ng state of emergency si Baltimore Mayor Brandon Scott dahil sa malagim na aksidente na dulot ng pagbangga ng Dali cargo ship ng Singapore sa Francis Scott Key Bridge na aktuwal na nakunan ng video.

Nahulog sa napakalamig na tubig ng Patapsco River ang mga hindi pa natutukoy na sasakyan at pasahero na binabaybay ang naturang tulay nang bumangga ang cargo ship na iniulat na mabilis ang paglalayag.

May habang 1.6 mile o dalawa at kalahating kilometro ang makasaysayang tulay na ipinangalan sa abogado, manunulat, at makata na si Francis Scott Key (Agosto 1, 1779- Enero 11, 1843).

Ang tula ni Key na pinamagatang Defence of Fort M'Henry ang ginawang lyrics sa "The Star-Spangled Banner," ang Pambansang Awit ng Amerika, noong 1814.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinimulan ang pagtatayo sa Francis Scott Key Bridge noong 1972.

Pormal itong binuksan noong Marso 23, 1977.

Bumagsak ito nang mabangga ng cargo ship dalawang araw matapos gunitain ang ika-47 na anibersaryo ng tulay.

Live na napapanood at tinututukan ng U.S. at international news programs ang isinasagawang paghahanap at pagliligtas ng mga diver at emergency personnel sa mga biktima na nahulog sa ilog mula sa bumagsak na tulay.

Ayon sa mga opisyal ng U.S. Coast Guard, dalawang biktima na ang nailigtas.

Pero anim na construction workers, na nagtatrabaho at inaayos ang mga lubak o pothole sa tulay nang mangyari ang aksidente, ang patuloy na hinahanap.

Pahayag ni Secretary of Homeland Security Alejandro Mayorkas, “There are no indications this was an intentional act.

“We are assessing the impacts to the Port of Baltimore. Our thoughts are with the families of the missing and injured.”

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Baltimore Key Bridge in Maryland, USA collapsed after it was hit by freighter at 1:30 a.m. on Tuesday, March 26, 2024.
PHOTO/S: First Coast News YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results