PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, Libreng Publicity sa Controversy

Aktres sadyang nananahimik para matagal mapag-usapan ang isyung kinasasangkutan.
by Jojo Gabinete
Published Mar 31, 2024
blind item
ILLUSTRATION: Igi Talao

Walang planong magsalita sa ngayon ang aktres tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya dahil plano ng kanyang kampong samantalahin ang pagkakataong mapag-usapan siya at magkaroon ng mga libreng publisidad.

Mainstay sa isang drama series ang aktres at hindi napag-uusapan ang kanyang partisipasyon kaya nakakita siya ng oportunidad para mapansin at maging relevant.

Naranasan na ng aktres magbida sa mga teleserye pero tila mailap sa kanya ang stardom dahil hindi siya naging big star at nang tumagal, mga supporting role na lamang ang ginagampanan niya.

Naninindigan ang aktres sa mga nagtatanong sa kanya, lalo na sa mga malalapit na kaibigan niya, na walang katotohanan ang isyung naging dahilan para magkaroon siya ng proverbial fifteen-minute fame.

At dahil matagal nang hindi nararamdaman ang kanyang “industry presence,” sinasakyan ng aktres ang kontrobersiya dahil sa paniniwalang "publicity, good or bad, is still publicity."

Inaasahan ang pananahimik ng aktres habang mainit na pinag-uusapan ang isyu.

Pero sa sandaling humupa ito, malaki ang posibilidad na magsalita siya at ipagtanggol ang sarili para magpatuloy kahit panandalian lamang ang mga libreng publisidad na tinatamasa niya at maalaala ng publiko ang kanyang hindi napupunang partisipasyon sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results