PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Chua, di malilimutan ang karanasan sa Fukelya House sa Bangkok

Ang Fukelya House ay isang hostel para sa mga transwomen.
by Jojo Gabinete
Published Apr 2, 2024
david chua rated k
Actor-director David Chua shares his experience visiting Fukelya House in Bangkok, Thailand. Fukelya House is a hostel for trans women who aspire to be a complete woman through sex-reassignment surgery.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang pagbisita ng aktor at direktor na si David Chua sa Fukelya House ang isa sa mga karanasang hindi niya malilimutan nang pumunta siya at manatili sa Bangkok, Thailand, mula Marso 23 hanggang Marso 27, 2024.

Read: Most Beautiful Transgender of Thailand talks about "normal life" as wife to wealthy businessman

Kasama ni David na lumipad sa Bangkok ang Rated K host na si Korina Sanchez at ang production staff ng programa para sa feature story na ginawa nila tungkol sa Fukelya House, ang hostel na pag-aari ng dating guro at negosyante na ngayong si Simon Po.

Binuksan ni Po ang Fukelya House para may matuluyan, makatipid sa gastos, at may mag-alaga sa transgender women na pumupunta sa Bangkok para sumailalim sa sex reassignment surgery dahil sa kagustuhang maramdaman na ganap na ang kanilang pagiging babae.

Read: Isabel Sandoval, suportado ng ina ang pagta-transition sa pagiging babae mula sa pagiging lalaki

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Namangha ako dahil may ganoong lugar pala. Bumilib ako sa mga pasyente dahil talagang ang pagpapaopera nila ang tunay na definition ng tiis-ganda,” sabi ni David nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Lunes, Abril 1, tungkol sa mga eksena na kanyang personal na nasaksihan sa Fukelya House.

Lahad pa niya, “Naka-cathether ang lahat ng mga pasyenteng nakita ko dahil hindi sila puwedeng kumilos.

"Ang staff ng Fukelya House ang nag-aalaga, nag-aasikaso, at nagbibigay sa kanila ng pagkain dahil parang naka-bed rest nga sila pagkatapos ng surgery.

“Yung isang pasyente, nasa tabi niya ang boyfriend niya. Naka-check-in din sa Fukelya para alagaan siya.

“May mga VIP room sa Fukelya, pero yung ibang pasyente, kapag medyo nakakakilos na sila, pinupuntahan nila ang lugar ng ibang mga pasyente dahil kailangan nila ng mga kausap para hindi sila mainip.

“Hindi biro ang mag-stay sa kama for 21 days or more, depende sa bilis ng pag-heal ng operasyon sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sa ospital nga, tatlong araw pa lang ang pasyente, parang ang tagal-tagal na, yung twenty-one days pa kaya?"

Read: Meet Ianne Gamboa, bar passer na first trans woman valedictorian ng PUP

Ipinaliwanag na hindi lamang ang mga pasyente ng sex-reassignment surgery ang tinatanggap sa Fukelya.

Nakita rin niya roon ang mga Pinay transgender women na nagpaayos ng ilong at nagpalaki ng suso para magmistulang babae ang kanilang pisikal na kaanyuan.

Idinagdag ni David na malaki ang naitutulong ng Fukelya sa mga kliyente nito dahil mas malaki ang kanilang natitipid na pera kesa manatili sila sa mga ospital sa Bangkok.

“Puro mga Pilipino ang nakita ko. Magaganda sila.

"Yung iba, pumayag na humarap sa kamera at nagpainterbyu. Pero yung iba, blurred ang mga kuha namin para maprotektahan ang identity nila,” sabi niya.

Kumpleto ang kaalaman ni David tungkol sa mga kaganapan sa Fukelya House dahil siya ang direktor ng kabanata ng Rated K na mapapanood sa TV5 sa Abril 13, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angie King no regrets coming out as trans woman: "I didn’t think that it was gonna be this good."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director David Chua shares his experience visiting Fukelya House in Bangkok, Thailand. Fukelya House is a hostel for trans women who aspire to be a complete woman through sex-reassignment surgery.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results