PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon, tinawanan lang ang panghihipo sa kanya ni Apo Whang-od

Allen Dizon, naranasan mismo ang "magic touch" ni Apo Whang-od.
by Jojo Gabinete
Published Apr 3, 2024
allen dizon apo whang-od tattoo
Award-winning actor gets to experience the "magic touch" of the legendary tattoo artist Apo Whang-od when his family visited her in Kalinga.
PHOTO/S: Allen Dizon Facebook

Gaya ni Piolo Pascual, naranasan ng award-winning actor na si Allen Dizon na hipuan ni Apo Whang-od.

Pero imbes na magulat, tumawa lamang nang tumawa si Allen dahil inasahan na niya ang mangyayari.

Read: Apo Whang-od, biktima ng cancel culture dahil sa panghihipo kay Piolo Pascual

Kasama ang kanyang pamilya, bumiyahe si Allen sa lugar na kinaroroonan ng sikat na mambabatok sa Buscalan, Kalinga, noong Miyerkules Santo, Marso 27, 2024.

Walang anumang tattoo sa katawan si Allen, pero nagpalagay siya ng three dots tattoo kay Apo Whang-od dahil katuparan ito ng isa sa mga bucket list niya.

Ang kanyang buong pamilya at hindi lamang si Allen ang nagpa-tattoo sa maalamat na mambabatok ng Buscalan.

Lahad ng aktor sa Cabinet Files, “Lahat kami, yung wife ko at two daughters, nagpa-tattoo kay Apo Whang-od. Nagpa-tattoo ako dahil famous mambabatok si Apo Whang-od.

“Wala akong tattoo. First time ko sa kanya and it was a great experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang layo ng biyahe, isang oras kami na naglakad paakyat sa bundok papunta sa bahay ni Apo Whang-od.

"Pagdating namin, napakahaba ng pila so nakiusap yung guide namin kung puwede kaming magpa-picture.

“After the picture-taking, kinausap ko rin yung mga tao kung puwede akong isingit sa pagpapa-tattoo kay Apo Whang-od.

"Buti na lang, pumayag sila pero nagpa-picture muna sila sa akin.

"Gusto lang talaga kasi nga wala pa akong tattoo.

“Saka, at least, kay Apo Whang-od yung signature three dots lang na tattoo. Hindi naman masakit.”

Lubos ang pasasalamat ni Allen sa mga taong nakapila at pumayag na mauna siyang magpalagay ng tattoo kay Apo Whang-od.

Tatlong daang piso lamang ang singil ni Apo Whang-od sa three dots tattoo na inilagay kay Allen, pero kasunod nito ang nakasanayan na ng national treasure na hipuan ang mga kalalakihang kliyente niya.

“Nakakatawa kasi hihipuan ka talaga ni Apo Whang-od lalo na kung artista ka at pogi ka. It means pasado ka raw sa kanya," sabi ni Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw ng aktor na hipo at hindi dakma ang ginawa ni Apo Whang-od sa kanyang genitalia.

Nagkaroon si Allen ng oportunidad na mabisita si Apo Whang-od noong Mahal na Araw dahil wala siyang taping para sa Abot-Kamay na Pangarap.

Ang katauhang ginagampanan ni Allen ang isa sa mga popular na karakter sa top-rating afternoon drama series ng GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinumusta ng Cabinet Files kay Allen ang kanilang programa na isang taon at pitong buwan nang napapanood sa telebisyo.

Saad niya, “Okay naman. Extended kami palagi. Rest day ko today. Tomorrow uli ang taping namin.

"Grabe yung mga eksena ko before Holy Week, yung pag-kidnap ko kay Lyneth [Carmina Villarroel]."

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actor gets to experience the "magic touch" of the legendary tattoo artist Apo Whang-od when his family visited her in Kalinga.
PHOTO/S: Allen Dizon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results