Sina Kuh Ledesma, Janno Gibbs, Jam Morales, Fe delos Reyes, Jackielou Blanco, Mark Bautista, Timmy Pavino, at Isabella Gonzales ang mga magtatanghal sa The Music of Cecile Azarcon, ang 45th anniversary concert ng award-winning singer at songwriter na si Cecile Azarcon.
Gaganapin ang concert sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino, Pasay City, sa Mayo 24 at Mayo 25, 2024.
Read: Original Philippine Music takes center stage in New York City
Sina Martin Nievera, Iwi Laurel, at Nicole Asensio ang mga karagdagang mang-aawit na imbitado sa Mayo 24.
Sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Katrina Velarde naman ang madadagdag sa all-star concert ni Cecile sa Mayo 25.

Si Cecile ang anak ni Minda Azarcon, ang kapitag-pitagang piyanista, guro sa musika ng mga sikat na mang-aawit at music director ng mga classic movie na Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Tatlong Taong Walang Diyos (1976), at Insiang (1976).
Minana ni Cecile mula sa kanyang ina ang talento sa musika dahil natutunan niya ang pagtugtog ng piyano sa edad na tatlo.
Read: Sparkle in Canada Tour: Dates, Tickets, and Featured Stars
Anim na taong gulang siya nang magsulat ng mga kanta.
Labingsiyam na taon si Cecile nang isulat nito ang "Lift Up Your Hands" na pinasikat ni Basil Valdez noong 1980 at pinakauna sa mga OPM song na nilikha niya.
Kabilang sa mga popular at walang kamatayang komposisyon ni Cecile ang "Reaching Out" ni Gary Valenciano at ang "Special Memory" mula sa soundtrack ng pelikulang Hotshots (1984); "So It’s You" ni Raymond Lauchengco; "I Think I’m in Love" at "One More Try" ni Kuh Ledesma na ginamit sa My Husband’s Lover, ang phenomenal primetime series ng GMA-7 noong 2013; "How Did You Know" ni Chiqui Pineda; "Even If" ni Jam Morales; "Sana ay Ikaw Na Nga" ni Basil; at "Ikaw ang Lahat sa Akin."
Permanente nang naninirahan sa Amerika si Cecile, pero uuwi siya sa Pilipinas para sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng kanyang music career sa pamamagitan ng concert na The Music of Cecile Azarcon.
Read: PEP.ph's Ultimate Guide to Korean concerts and fan meets this 2024