PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mabait at magalang na showbiz personality nag-meltdown sa isang hotel

"Nagwala" dahil hindi pinagbigyan ng hotel employees.
by Jojo Gabinete
Published Apr 6, 2024
Blind item showbiz personality meltdown at hotel
Nagsisigaw at "nagwala" ang showbiz personality sa isang hotel kaya pinagbigyan na lang ng mga empleyado ang hinihingi nito para tumigil sa pagwawala.

Dahil sa sobrang kalasingan, nagkaroon ng meltdown ang isang showbiz personality at nasaksihan ito ng mga empleyado ng hotel na tinuluyan niya sa siyudad na kanyang pinuntahan.

"Nagwala" ang showbiz personality nang tumanggi ang mga empleyado na bigyan siya ng alak dahil hindi na niya makontrol ang sarili.

Sa huli, ang kagustuhan ng showbiz personality ang nasunod para tumigil na siya sa pagsigaw, paggawa ng mga nakakahiyang eksena at higit sa lahat, mabawasan ang tensyon ng mga tao na ikinagulat nang husto ang biglang pagbabago ng kanyang ugali.

Mabait, magalang, at maayos na kausap ang showbiz personality kapag hindi ito nasasapian ng espiritu ng alak, pero nawawala siya sa katwiran at wala nang pinakikinggan sa tuwing nakakatikim ng mga inuming nakalalasing.

Masuwerte pa rin ang showbiz personality dahil walang sinuman sa mga saksi ang nangahas na kunan ng video ang pag-aalburoto niya.

Malaking kasiraan sa pagkatao at sa career ng showbiz personality kung nakunan ng video ang pagwawala niya dahil matibay itong ebidensya laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsisigaw at "nagwala" ang showbiz personality sa isang hotel kaya pinagbigyan na lang ng mga empleyado ang hinihingi nito para tumigil sa pagwawala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results