PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item on showbiz personality baon sa utang dahil sa bisyo

Napag-iwanan siya ng mga kasabayan at baguhan sa industriya.
by Jojo Gabinete
Published Apr 9, 2024
blind item

Huwag pahiramin o pautangin ng pera ang showbiz personality ang payo sa negosyante na kanyang nilapitan at hinihingan ng financial assistance para sa isang proyekto na pinagkakaabalahan niya.

Nagmamalasakit lamang sa negosyante ang mga kaibigan nito na nag-aalala na baka hindi siya mabayaran ng aktor kapag pinautang ito.

Una, walang permanenteng trabaho sa kasalukuyan ang showbiz personality.

Pangalawa, may mga utang siya na hindi pa nababayaran at pagod na sa paniningil ang mga nagpahiram sa kanya ng pera.

At pangatlo, pinaghihinalaang may hindi magandang bisyo ang showbiz personality na madalas na problema sa mga taping dahil latecomer siya.

Namimili rin ang showbiz personality ng mga trabaho na tatanggapin, na minsan, hindi pa niya sinisipot ng walang anumang sapat na dahilan.

Pinanghihinayangan ang mga nangyayari ngayon sa buhay at career ng showbiz personality na may potensyal noon na magkaroon ng malaking-malaking pangalan sa entertainment industry, pero nagpabaya kaya napag-iwanan na siya ng mga kasabayan niya at ng mga baguhan na artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga naniniwalang malalim ang depresyon na pinagdaraanan ng showbiz personality at kailangan nito ng propesyonal na tulong para bumalik siya sa normal at muling magkaroon ng wastong direksyon ang kanyang buhay.

More blind items:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results