PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andres at Atasha Muhlach, kumusta ang first taping day ng sitcom?

Andres Muhlach, kinabahan sa unang salang sa aktingan.
by Jojo Gabinete
Published Apr 10, 2024
Andres and Atasha Muhlach
Andres (left) and Atasha Muhlach (right) start taping for their first ever sitcom Da Pers Family with parents Aga (right) and Charlene (not in photo) on TV5.
PHOTO/S: @mjmarfori / @atashamuhlach_ Instagram

Holiday noong Martes, Abril 9, 2024 sa buong Pilipinas dahil ginugunita ang Araw ng Kagitingan, pero nagtrabaho ang pamilya nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales para sa taping ng unang episode ng Da Pers Family.

Read: Andres Muhlach pumasok na rin sa showbiz; Muhlach family bibida sa TV5 sitcom

Ito ang kanilang sitcom na mula sa direksyon ni Danni Caparas at mapapanood sa TV5 simula sa susunod na buwan, Mayo 2024.

Naganap ang taping ng Muhlach family sa New Manila, Quezon City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumabak sa pag-arte si Andres Muhlach, ang kakambal ng Eat Bulaga! co-host na si Atasha.

Para kay Atasha, isang malaking karangalan na makatrabaho sa isang proyekto ang kanyang mga magulang at kapatid.

Isang production insider ang nagkuwento sa Cabinet Files na kabadong-kabado si Andres sa unang araw ng taping nito para sa kanilang family sitcom, pero naging komportable siya dahil sa suporta na ibinigay ng mga tao sa paligid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: What Aga Muhlach told Atasha and Andres about entering show business

REUNION OF AGA, RODERICK, AND BAYANI

Kasama sa cast ng Da Pers Family ang mga komedyante na sina Roderick Paulate, Bayani Agbayani at Chad Kinis.

Ang sitcom ng Muhlach family sa TV5 ang reunion project nina Aga, Roderick, at Bayani na magkakasama noon sa That’s My Doc, ang sitcom na napanood sa ABS-CBN mula Enero 2007 hanggang Oktubre 2008.

Subok na subok na ang husay sa pagpapatawa nina Bayani at Roderick kaya tiyak na malaki ang kontribusyon nila para lalong nakakaaliw at nakakatawa ang mga eksena sa Da Pers Family.

Apat na taon na ang nakalilipas buhat nang mapanood si Roderick sa One of the Baes, ang romance drama comedy ng GMA-7 kaya marami ang natutuwa dahil muling magiging aktibo sa telebisyon ang premyadong aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andres (left) and Atasha Muhlach (right) start taping for their first ever sitcom Da Pers Family with parents Aga (right) and Charlene (not in photo) on TV5.
PHOTO/S: @mjmarfori / @atashamuhlach_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results