PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Artist Myse Salonga, Admirer of Heart Evangelista & Solenn Heussaff

Myse Salonga, may art exhibit sa Baguio.
by Jojo Gabinete
Published Apr 10, 2024
myse salonga art exhibit
Myse Salonga has an ongoing art exhibit, titled "A Masterpiece of Myseterpiece Art," at The Manor in Camp John Hay, Baguio City. Right photo: Salonga with Baguio City Mayor Benjamin Magalong during the inauguration of her art exhibit.

Ang Fashion Arts Autism Benefit (FAAB) Children with Autism ang beneficiary ng "A Masterpiece of Myseterpiece Art," ang art exhibit ng Filipino artist na si Myse Salonga sa The Manor, Camp John Hay, sa Baguio City.

Nag-umpisa ito noong Abril 5, 2024 at magtatagal hanggang sa Hunyo 30, 2024.

Read: Jayson Isaac debuts solo art exhibit "FIDEM" after Raymund Isaac's 2nd death anniversary

Si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang singer-actress na si Patricia Javier, at ang entrepreneur-TV host na si Cristina Decena ang kasama ni Salonga sa inagurasyon ng kanyang art exhibit.

myse salonga patricia cristina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Myse Salonga (right) with Patricia Javier (left) and Cristina Decena (middle)

Ngayong Abril ang World Autism Month.

Malapit daw sa puso ni Salonga ang mga taong may autism spectrum disorder kaya sinusuportahan niya ang mga miyembro ng Fashion Arts Autism Benefit na may talento sa pagpipinta.

myse salonga students

Reluctant artist si Salonga dahil 39 years old na siya nang matuklasan niya ang kakayahan sa pagpipinta na kanyang itinuturing na “gift from God.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Beauty Gonzalez's unconventional spending habit: art over designer bags

Lahad niya, “Thirteen years ago lang nang magsimula akong mag-painting. Na-discover ko lang dahil sa stress sa mga negosyo ko.

“Kapag nai-stress ako, nagpe-paint ako. Hindi ko alam na may talent ako.

“Nung nagpagawa kami ng bahay thirteen years ago, nakialam ako sa interior, sa design. Nakialam ako sa architect.

"So, sa interior, kailangan ko ng mga painting, nag-try lang ako sa isang canvas, abstract painting.

“Nung blessing na ng bahay namin, marami ang nagkagusto sa abstract painting ko.

“Yung friend ko, binili niya ang painting .Dinala niya sa U.S. Actually, ayoko talagang ibenta kaya lang nag-offer siya sa akin na I can’t resist.

“That time, hindi naman ako sikat. Hindi dahil sa pera kaya ko ibinenta ang painting. Parang prestige lang sa akin na may price pala ang painting ko.

“Hanggang maging word of mouth yung artwork ko. Dumami na nang dumami ang mga nagpa-commission sa akin ng artworks.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jao Mapa, sana magkaroon ng art collaboration kina Ian Veneracion at Heart Evangelista

Bago nag-umpisa ang one-woman exhibit ni Salonga sa The Manor noong Abril 5, hindi pa niya nasusubukang magkaroon ng mga art exhibit dahil nabibili agad ang kanyang mga painting.

Para sa exhibit niya sa The Manor, nagkulong si Salonga sa kanyang painting room at hindi nagpaabala para matapos nito ang 18-piece paintings na Serene, Dance with Me, Strength in Me, Braveheart, at Guardian ang ilan sa mga pamagat.

Ang The Manor management ang naghanap kay Salonga at nag-alok sa kanyang magdaos ng art exhibit dahil sa mga artwork niyang na-feature sa iconic Times Square, New York City.

Kabilang si Salonga sa 35 artists mula sa iba’t ibang panig ng mundo na napili para ilagay sa Times Square billboard ang kanilang mga nilikhang painting.

myse salonga painting times square

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maligayang-maligaya si Salonga dahil isang pangarap na natupad na masilayan sa Times Square ang kanyang mga artwork na masusundan ng isang digital exhibit sa Paris, France, sa Hunyo 2024.

Read: Anak ni Vic Sotto na si Paulina, namana ang galing sa pagpipinta sa lolo niyang National Artist

May plano ba siyang magbukas ng sariling art gallery para sa kanyang mga impressive artwork?

“Siguro, in the future. Tingnan natin. Darating tayo diyan,” sagot niya.

Kaligayahan na raw ni Salonga na makita niyang naka-display sa iba’t ibang mga bahay at business establishment ang kanyang mga painting.

Sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, at ang National Artist for Visual Arts na si BenCab ang mga hinahangaang painters ni Salonga.

Si Dawn Zulueta ang nais niyang ipinta dahil sa ethereal beauty ng aktres.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myse Salonga has an ongoing art exhibit, titled "A Masterpiece of Myseterpiece Art," at The Manor in Camp John Hay, Baguio City. Right photo: Salonga with Baguio City Mayor Benjamin Magalong during the inauguration of her art exhibit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results