May reaksyon si Quinn Carrillo sa bansag sa kanya na "Bela Padilla ng Vivamax" dahil katulad ni Bela, nagsusulat siya ng mga kuwento at assistant director para sa mga proyekto na napapanood sa kontrobersyal at nangunguna na Filipino streaming platform.
Read: From indie to mainstream TV: Quinn Carillo happy to be part of Asawa Ng Asawa Ko
Si Quinn ang screenplay writer ng Dayo.
Sa media conference na naganap noong Sabado, Abril 13, 2024, mapagkumbabang sinabi ni Quinn na wala siyang laban kay Bela.
"Naku, napakagaling po ni Bela Padilla. I don’t think I can hold up to that reputation. Siguro ako po, nandoon ako sa kung ano yung kaya ko na gawin kasi iba naman si Bela.
"Bela Padilla na po yan. Wala po tayong mailalaban diyan. Ayoko po nagko-compare kasi everyone has their own path. Ako po, pina-follow ko lang po yung sa akin," katuwiran ni Quinn.
May paliwanag din siya tungkol sa kanyang desisyon na huwag munang lumabas at magpaseksi sa mga pelikula ng Vivamax.
"Management decision kaya po pinag-lie low lang naman po for sexy characters kasi nga since I’m doing a show sa GMA-7, Asawa ng Asawa Ko.
"It’s a career move to lie low for a while and we’re also choosing materials before doing it. Nandoon na po tayo sa part na yon.
"I love doing films pero siyempre, kailangan ko rin po na sumunod sa ating management because they know what’s best for me so ako po ay taga-sunod lang."
Si Quinn ang kauna-unahang Vivamax sexy star na nabigyan ng television show ng GMA-7.
QUINN CARILLO AS ASSISTANT DIRECTOR
Bukod sa pagsusulat sa screenplay ng Dayo na pinagbibidahan ng Vivamax recruits na sina Rica Gonzales at Audrey Avila, si Quinn ang assistant director ni Sid Pascua, ang direktor ng pelikula na mapapanood sa Vivamax simula sa Abril 19, 2024.
"I was very fortunate to be offered as an assistant director for Direk Sid," ang may pagmamalaking sabi ni Quinn.
"Mas nag-focus ako as assistant director, and then, I was helping the cast with their love scenes, with their roles since ako nga po yung writer.
"I really like working behind the camera. I like working in front, but iba rin yung feeling na kapag nasa harap at iba yung feeling na ka-bonding mo yung ibang crew. Sobrang saya."