PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz Personality Uses Tech to Look Young

Popular showbiz personality, kapansin-pansin ang mabilis na pagbabago ng hitsura.
by Jojo Gabinete
Published Apr 17, 2024
blind item
ILLUSTRATION: Igi Talao

Nadagdagan ang trabaho ng mga editor ng isang programa sa telebisyon dahil hindi na maitago ang tila napakabilis na pagtanda ng hitsura ng popular showbiz personality.

Obligado ang mga editor na pabatain ang mukha ng showbiz personality, gamit ang iba’t ibang klase ng apps tulad ng AI Age Filter, FaceLa, at FaceTrix, para magkaroon siya ng “youthful appearance.”

Nagkusa ang mga editor na gamitan ng modern technology ang mukha ng showbiz personality dahil pansin na pansin sa mga eksena niya ang pagbabago ng hitsura, lalo na sa mga close-up shot sa kanya..

Ang pangalan ng isang popular beauty doctor ang secret code na ginagamit ng mga editor sa tuwing binibigyan nila ng solusyon ang unflattering shots sa showbiz personality, na walang kamalay-malay sa pagmamalasakit na ginagawa sa kanya na nagpapatagal sa trabaho ng mga empleyado.

Pero may mga pagkakataong kahit edited or filtered na ang mga eksena ng showbiz personality, napapansin pa rin ng ordinary televiewers ang kanyang parang pagod na pagod na itsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kasalanan ang pagtanda o pagkakaroon ng edad, pero obligasyon ng showbiz personality at ng mga kapwa niya artista na maging kaaya-aya ang pisikal na kaanyuan nila para maging inspirasyon sila sa kanilang mga tapat at masusugid na tagahanga.

Samantala, iba naman ang kaso ng aktor at aktres na mga bida sa isang TV show dahil halatang-halatang filtered ang kanilang mga mukha sa mga eksena nila.

Mga bata pa ang dalawa na parehong mga headturner at walang problema sa mga hitsura kaya hindi makatarungang gamitan sila ng age progression apps na hinding-hindi pa nila kailangan.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results