PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laguna hot springs, apektado ba ng mapanganib na heat index?

Ano ang mga dapat tandaan kapag maliligo sa hot spring sa ganitong panahon?
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2024
hot spring
PHOTO/S: Image by lifeforstock on Freepik

Nagdeklara ng walang pasok sa mga paaralan ngayong Huwebes, Abril 25, 2024, ang mga pamahalaan ng Maynila, Navotas City, Malabon City, Pasig City, Quezon City, Muntinlupa City, Pasay City, Las Piñas, Pateros, Mandaluyong City, at sa ibang mga lugar sa Pilipinas dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Kinansela na rin ng ilang private schools sa San Juan City ang mga klase nila.

Read: Ang init! Heto ang mga lugar na nagtala ng mataas na heat index

Sinabi ng PAGASA weather bureau na makararanas ng napakainit na klima ngayong araw ang mga Pilipino dahil aabot mula sa mapanganib na 42 degrees Celsius hanggang 47 degrees ang temperatura na maaaring magdulot ng pinsala sa kalusugan tulad ng heat stroke.

heat index in cavite and metro manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LAGUNA HOT SPRINGS

Apektado ng nagbabagang init ng panahon ang mga hot spring resort sa Laguna dahil nagdadalawang-isip ang mga taong maligo at magbabad sa mainit na tubig.

Ngayong Huwebes, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa namamahala ng isang sikat at dinarayong hot spring resort sa Pansol, Calamba, Laguna.

Ayon sa kanya, tinatangkilik pa rin ng mga kostumer ang kanilang establisiyemento pero hindi sa oras na tirik na tirik ang sikat ng araw.

“Hindi naman po kami nawawalan ng mga kliyente. Bukal po ang tubig natin, yung ibang [resort] po, pump ang ginagamit kaya mainit ang tubig nila.

“Itong sa amin, galing talaga ang tubig mula sa Mount Makiling, umaagos at natural hot spring. Walang chlorine, sulfuric water,” paliwanag ng taong nakausap ng Cabinet Files.

Ayon pa sa kanya, mga basketball player at mga artista ang kanilang regular customers.

Ang mga namayapang showbiz personality na sina Charito Solis at Victor Wood ang ilan sa mga kilalang personalidad madalas na naliligo sa hot spring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binawian ng buhay si Charito noong Enero 9, 1998, matapos maligo sa isang hot spring resort sa Calamba, Laguna.

THINGS TO REMEMBER...

Para sa kapakanan ng lahat, hiningi ng Cabinet Files mula sa doktor na si Richard Dexter Cerezo ang mga dapat tandaan kapag maliligo sa mga hot spring sa gitna ng mapanganib na heat index na kasalukuyang naghahatid ng perhuwisyo sa Pilipinas at sa ibang Asian countries, kabilang ang Thailand.

“Kung meron nang signs ng heat exhaustion at mataas na ang body temperature, bawal na ang magbabad sa hot spring dahil lalong madaragdagan ang core body temperature.

"Lalo lamang itong mag-i-induce ng heat stress sa katawan kaya room water temperature lang ang kailangan,” payo ni Cerezo.

“Kung talagang gustong maligo ng mga tao sa hot spring, as much as possible, maligo sila sa cooler time of the day, 5 a.m. to 8 a.m. then 5 p.m. onwards.

“Make sure na controlled yung mga sakit nila then hydrate always. Take their maintenance medicine, don’t drink alcohol and caffeinated drinks.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At kung may nararamdaman silang hindi maganda, umahon agad mula sa hot spring at kumonsulta agad sa doktor.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Image by lifeforstock on Freepik
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results