vawcPaglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children ang kasong isinampa laban sa 40-year-old policeman mula sa Laguna.
Mismong ang misis niyang pulis din ang nagdemanda laban sa kanya sa isang pangyayari na parang kuwento sa isang teleserye.
Mga alagad ng batas ang lahat ng mga sangkot sa insidenteng ito.
Read: Coffin car sold for PHP1.6M; registered, with license plate
Nakaratay ngayon sa isang ospital sa Laguna ang idinemandang pulis na nasa ilalim ng hospital arrest dahil sa kasong kinahaharap niya.
Dinala sa ospital ang pulis matapos barilin sa balikat ng kanyang misis dahil nahuli siyang nasa akto ng pakikipagtalik sa loob ng sasakyan sa parking lot ng isang mall.
Nangyari ang insidente sa Canlubang, Laguna, noong Huwebes, Abril 25, 2024.
Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill
Enlisted personnel o policewoman, na may edad na 41, ang kalaguyo ng pulis na nahuli ng kanyang misis na pulis din.
Pulis din ang asawa ng 41-year-old policewoman.
At large o pinaghahanap ang 41-year-old policewoman dahil nagtangka siyang sagasaan ang kanyang asawang miyembro rin ng Laguna Police at ang policewoman na asawa ng karelasyon niya.
Read: Couple requires wedding guests to give cash gifts
Ang mga asawa ng mga akusado ang nakahuli sa kanila dahil matagal na nilang pinagdududahang may relasyon ang dalawa.
Noong Huwebes ng umaga, nakatanggap sila ng impormasyong magkasama sa mall ang kanilang mga asawa.
Pinuntahan ng dalawa ang mall at naaktuhan nilang nagtatalik sa loob ng nakaparadang sasakyan ang kanilang mga asawa.
Binaril ng asawa ng policewoman ang gulong ng sasakyan nito pero hindi huminto ang kanyang misis.
Tumalon palabas mula sa kotse ang tumakas na policewoman. Habang ang pulis na kanyang karelasyon ay binaril naman sa balikat ng misis nitong pulis din.
Read: Woman uses corpse to get bank loan
Hindi inilabas sa media ang pangalan ng mga sangkot sa eskandalo para mapangalaaan pa rin ang kanilang katauhan at pribadong buhay.
Inilabas ng isang news organization na adultery at concubinage ang mga kasong isasampa sa mga suspek, pero napag-alaman ng Cabinet Files na paglabag pa lamang sa Republic Act 9262 ang reklamong inihain laban sa 41-year-old policeman ng kanyang asawa.
Ang insidenteng ito ay tila nagpapatunay na sa kasabihang walang matigas na pulis sa matinik na misis... na sa pagkakataong ito ay pulis din.