Opisyal na nag-umpisa ang Miss Mega Bintang Indonesia 2024, sa pamamagitan ng magarbong pagdating ng limampung kandidata mula sa labinlimang lalawigan ng Indonesia, sa Royal Amabarrukmo Hotel sa Yogyakarta, Indonesia, noong Biyernes, Mayo 3, 2024.
Read: Miss Universe Organization drops Indonesia organizer over sexual abuse accusations

Ang mga mananalo sa Miss Mega Bintang Indonesia ang magiging kinatawan ng nabanggit na bansa sa mga international pageant na Miss Grand International, Miss Face of Humanity, Miss Eco International, Reina Hispanoamericana, World Top Model, Reina Internacional del Cacao, at Miss Aura International.
Inaabangan ng pageant fans sa Indonesia ang pagdating ng mga kandidata ng Miss Mega Bintang Indonesia dahil sa kanilang mga mararangyang kasuotan, production numbers, at mga paandar—ang pagdating nilang sakay ng motorsiklo, ambulansya at bajay (tawag sa tricycle sa Indonesia).
THIS CANDIDATE STEALS THE SHOW
Nakuha ng isang pageant contestant ang atensyon ng lahat dahil dumating siyang nasa loob ng kabaong na lulan ng karo ng patay.

Anim na kalalakihan ang bumuhat sa kabaong na kinalalagyan ng kandidata. Nang ibaba ito, pinaligiran nila at ng mga kababaihang nagpapanggap na nagluluksa ang ataul na nilagyan ng mga talulot ng bulaklak.


Nang angatin ang takip ng kabaong, bumulaga ang kandidata na nakasuot ng kulay puting gown, bumangon at sumayaw.
Ang mga babaeng nagpanggap na nagluluksa ang nagsilbi niyang back-up dancers.

Sa kasamaang-palad, negatibo ang karamihan sa mga reaksiyon tungkol sa arrival video ng kandidata ng Miss Mega Bintang Indonesia dahil pinandirihan at binatikos ang kanyang cheap publicity stunt.

Naka-quarantine mula Mayo 3 hanggang Mayo 19, 2024 ang mga kalahok sa Miss Mega Bintang Indonesia, na nasa ilalim ng pamamalakad ni Ivan Gunawan, ang national director ng patimpalak na paborito.
Si Gunawan ay paborito ni Nawat Itsaragrisil, ang founder at presidente ng kontrobersiyal na Miss Grand International na madalas na binabatikos ng Filipino pageant fans dahil sa paratang na sinasadya niyang huwag papanalunin ang mga kinatawan ng Pilipinas sa beauty contest na kanyang pag-aari.
Read: Miss Grand International founder calls Philippine rep Nikki de Moura "very unprofessional"

Ivan Gunawan (left), with Miss Grand International founder and president Nawat Itsaragrisil (right)