PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lindsay Custodio, magsasampa ng kaso laban sa non-showbiz husband

Ang Republic Act 9262 ang kasong nakatakdang isampa ng singer-actress.
by Jojo Gabinete
Published May 5, 2024
Lindsay Custodio
Frederick Cale
Lindsay Custodio, magsasampa ng kaso laban sa kanyang Canada-based non-showbiz husband na si Frederick Cale. Ang Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) ang kasong nakatakdang isampa ng singer-actress.

Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children ang kasong nakatakdang isampa ng singer-actress na si Lindsay Custodio laban sa kanyang Canada-based husband na si Frederick Cale.

Read: Lindsay Custodio marries non-showbiz fiancé Frederick Cale

Kinumpirma ni Lindsay sa Cabinet Files ang hakbang na gagawin, pero hindi ito nagbigay ng detalye tungkol sa mga karahasang kanya umanong naranasan mula sa mga kamay ni Cale.

Si Fredrick ang pangalawang asawa ni Lindsay.

Nabiyuda ang singer-actress noong Nobyembre 18, 2018, nang mamatay ang kanyang unang asawa, si dating Tanauan, Batangas vice-mayor Julius Caesar Platon II, dahil sa atake sa puso.

Read: Lindsay Custodio and Julius Caesar Platon II's love story

Read: Lindsay Custodio tries to stay strong for children after husband's death

TWO WEDDINGS for LINDSAY & FREDERICK

Dalawang beses ikinasal sina Lindsay at Frederick.

Naganap ang kanilang civil wedding sa Muntinlupa City, noong Mayo 1, 2022, Labor Day.

Lindsay Custodio
Frederick Cale

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan ito ng pagpapakasal nila sa Our Lady of Victories Chruch sa New Manila, Quezon City, noong Mayo 13, 2022, Friday the 13th.

Lindsay Custodio
Frederick Cale

A SHORT-LIVED MARRIAGE

Hindi nagtagal ang pagsasama ng dalawa dahil bumalik si Frederick sa Canada, ilang araw makaraan ang kanilang pagpapakasal sa simbahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bumalik si Frederick sa Pilipinas noong April 2023 hanggang May 2023 para sa kanilang first wedding anniversary.

Nag-decide si Lindsay na putulin na ang lahat ng komunikasyon nila noong June 12, 2023, Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, dahil sa mga hindi nila pagkakaunawaan.

Pero hanggang ngayon, nananatili silang kasal sa isa’t isa.

Ang paghahain ng reklamo laban kay Frederick ay itinuturing ni Lindsay na umpisa ng healing process nito dahil sa mga narasan niyang nagpabigat nang husto sa kanyang kalooban mula nang mangyari ang kanilang pag-iisang dibdib noong Mayo 2022.

Ang pagdedemandang gagawin ni Lindsay ang magbibigay ng tuldok sa maling akala at paniniwala ng publiko na nagsasama pa rin sila ni Frederick, na mas matagal na namalagi sa Canada.

Pero nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkita sa Amerika bago nagpasya ang singer-actress na palayain na ang sarili mula sa relasyong naghatid umano sa kanya ng mga pasakit at dahilan para mabawasan ang self-esteem o pagpapahalaga niya sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lindsay Custodio
Frederick Cale

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lindsay Custodio, magsasampa ng kaso laban sa kanyang Canada-based non-showbiz husband na si Frederick Cale. Ang Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) ang kasong nakatakdang isampa ng singer-actress.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results